CHAPTER 6

0 0 0
                                    


Ilang saglit pa after nilang kumain ay tumayo na ako para mag ready sa pag uwi.

"Sibat na ako mga pre." paalam ko pa sa kanila.

"Sige ingat ka, wag mo kalimutan yung sinabi mo ahh!" sabi pa ni red at tinawanan ko lang siyang tumango.

"Geh na! Bye." sagot ko.

"Bye!"
"Geh, ingat."

Sabi nilang dalawa saka na ako lumabas ng pinto at nagsimula na akong maglakad.

Nahinto naman ako at napatingin sa may paligid ko at minamalayan kung baka nasa paligid ko na naman siya hanggang sa...

"Uyyy! Hinahanap niya ako hihi!" natigilan ako ng marinig na may nagsalita sa likuran ko. Saglit pa akong napatingin sa may paligid dahil baka may nakatingin sa akin saka ko ito hinarap.

"Ohh himala?? Diretso ka ng makatingin sa akin?? Parang kahapon lang ay maiihi ka na sa takot matapos mo akong makita habang anlaki pa ng mata mo pati butas ng ilong mo?? Hahaha... hindi ka na ba natatakot sa akin??" tanong pa nito at inis ko siyang tinignan.

Bigla ko namang naalala yung sinabi ni red sa akin kanina na sinabi ng lola niya sa kanya.

Hindi kaya ay tama ang lola ni red?? Baka itong nagpapakita sa akin na to ay baka gusto lang din humingi ng tulong.

"Oh sige ganto. Hahayaan kitang kausapin ako---pero dumistansiya ka sa akin. Wag tayo dito mag-usap." seryosong sabi ko saka nagpaunang maglakad at sumunod naman ito sa akin.

Pero sa totoo lang ay kinikilabutan pa rin ako.

Naghanap naman ako ng lugar kung saan hindi matao saka ako nagmatyag sa paligid at naupo. Nakita ko namang naupo rin siya.

Kung kumilos talaga sya ay parang tao na normal lang din, Malayo sa mga napapanood ko sa palabas!

Doon ko lang napagmasdan ang kabuuan niya. Nakaputi siya at may kahabaan yung buhok niya at yung kabuuan niya ay parang nagliliwanag pero hindi naman nakakasilaw.

Yan ang dahilan na kahit mukhang tao sya ay alam ko agad na multo sya.

"Hindi ko aakalain na kakausapin mo ako ahh." nakangiti pang sabi nito at tinaasan ko lang siya ng kilay saka ako napakrusmano.

"Gusto ko lang madaan ito sa maayos na usapan. Now, i want you to tell me na kung anong totoong pakay mo sa akin o kung bakit mo ginagawa ito." seryosong ani ko.

"Hindi kita maintindihan." sagot niya at nagsalubong naman ang kilay ko.

"Ganto na lang. Bakit? Bakit ako? Bakit sa dinami-dami ng tao ay ako pa talaga ang napili mong pagtripan?? Sa tingin mo ba ay natutuwa akong sundan-sundan at kausapin mo??" tanong ko pa at napatungo naman siya.

AwakeWhere stories live. Discover now