CHAPTER 12

0 0 0
                                    

Nang makapasok sa loob ay agad ko ng isinara ang pinto at nilapag sa sofa ang gamit ko saka ako nagtungo sa may kusina para kumuha ng tubig at uminom. Doon ko natanaw yung isang papel na nakasabit sa may ref at binasa yung nakasulat.

(Son, may pinuntahan lang akong importanteng bagay at mamayang gabi pa ako makakauwi. May food ka na diyan sa table.)

Basa ko at nagtaka naman ako.

Hindi siya namalengke?? Saan naman kaya siya pumunta??

Itinabi ko naman yung sulat sa may gilid saka tinanggal yung uniform ko.

"~~When we're out in a crowd laughing loud
And nobody knows why

When we're lost at a club, getting drunk
And you give me that smile~~"

Natigilan ako ng makarinig ng himig ng boses mula sa may itaas sa kwarto ko at napaangat naman ako ng tingin doon.

T-teka... sino yun??

"~~Going home in the back of a car
And your hand touches mine

When we're done making love
And you look up and give me those eyes~~"

Dagdag pa nito at marahan naman akong umakyat papatungo sa may kwarto ko.

Marahan akong naglakad papalapit sa may pinto at dinikit ang tenga ko.

"~~'Cause all of the small things that you do
Are what remind me why I fell for you
And when we're apart, and I'm missing you
I close my eyes and all I see is you
And the small things you do~~"

Kanta pa nito at nakatingin lang ako sa may sahig habang pinapakinggan ko yung awit.

Di ko alam pero ang ganda ng boses...

Napakaganda at ang sarap pakinggan sa tenga

Kay whitey bang boses yon??

Alam kong nasa kwarto ko lang siya naghihintay sa akin...

Marahan kong pinihit yung doorknob at unti-unti itong binuksan... di nga ako nagkamali dahil natanaw ko si whitey na nakaupo sa may kama ko pero nakatalikod siya sa may gawi ko.

"Hmmmm...hmm...hmmmm" humihimig pang bigkas nny habang nakatalikod sa akin.

Hindi ko alam na magaling pala siyang kumanta??

Bigla akong natigilan nang may maapakan akong gamit na nagsanhi ng kaunting ingay at namalayan kong papatingin sa may gawi ko si whitey kaya mabilis kong sinara yung pinto at ang bilis pa ng kabog ng puso ko.

"Bulaga!!" napatalon pa ako sa gulat ng may sumigaw sa may gilid ko at nagulat ako ng makita siya.

Teka??! Nasa kwarto lang siya pagkasara ko ng pinto tapos?!

"Bakit ka nanggugulat??!" inis pang tanong ko.

"Ehh... bakit ka nandiyan??" tanong niya pa at natigilan ako.

AwakeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang