CHAPTER 24

1 1 0
                                    


"Mom, may pupuntahan lang po ako." paalam ko pa kay mommy habang binabalot yung mga dala kong pagkain at prutas.

"Hmm... magtapat ka nga Gen." dinig kong sabi ni mommy at natigilan naman akong napatingin sa kanya.

"Sino ba yang pinupuntahan mo, madalas kong napapansin na parang busy ka ata. May pinagbi-busyhan ka bang iba---may nililigawan ka na ba??" biglang tanong pa ni mom na kinagulat ko pero kinalaunan ay natawa lang ako.

"Mom?? May pupuntahan lang po ako, kung ano-ano na iniisip niyo." sagot ko pa.

"Syempre anak... nag-aalala lang si mommy dahil ayokong mangyari yung sa inyo noon ni Myka." sabi niya at natigilan ako.

"Oppsss... sorry..." biglang usal ni momny.

Si Myka ay ex-girlfriend ko for 1 year nung 18 years old pa lang ako at naghiwalay kami dahil may problemang nangyari, same situation with Luna at parehas kaming cheated by our partners. Tshhh pero matagal nang wala na sa akin iyon, ilang taon na rin ang nakalilipas.

Tsk, bakit pa kasi pinaalala.

"Mom... wala na sa akin iyon. Matagal na yun at kinalimutan ko na, isa pa ay magkaayos naman na kami ni Myka ahh." sagot ko.

"Kahit na anak... syempre ay ina mo ako at ayoko lang ng kung anong nakakasama sayo." sambit niya at napangiti ako.

"Oo na mom, hayaan niyo. Yung pipiliin kong babae na mamahalin ay yung tulad niyo na mapagmahal at maalaga." sagot ko.

"Aww... so sweet of you my baby boy." sabi niya pa.

"Arrggghhh.. enough mom, don't call me that." singhal ko pa at natawa lang siya.

"Sige na mommy, alis na po ako. Bye!" paalam ko pa saka kinuha yung paper bag at lumabas na.

"Ingat ka, anak!" pahabol pa ni mom hanggang sa makalabas na ako ng gate at sumakay na ng jeep patungo sa may hospital.






~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagtungo ko ng hospital ay agad akong dumeretso pataas at paglabas ko ng elevator ay agad akong nahinto sa may kwarto ni luna. Huminga muna ako ng malalim saka ako kumatok roon.

*tok*tok*

Ilang saglit pa ay bumukas iyon.

"Ohh iho?? Ikaw pala." nasilayan ko yung mama ni Luna na ngiting-ngiti.

"Para po sa inyo ni luna." sabi ko pa sabay abot ng paper bag.

"Nako salamat, nag-abala ka pa. Halika, pasok ka at tamang-tama ay gising yung anak ko." sabi nito at natigilan ako.

Gising??

Kung gayon ay gising siya??

AwakeWhere stories live. Discover now