CHAPTER 10

1 1 0
                                    

Tuesday...

Kasalukuyan na akong nasa labas ng school at nagmamadaling pumasok dahil late na talaga ako kasi anong oras na ako nakagising. Pagpasok ko ay natigilan ako sa may pinto.

"Ang dali lang ng question, wala pang makapagsabi sa inyo ng sagot??!! Di kasi kayo nag no-notes at review kaya nganga kayo, Pero sa kalokohan ay ang gagaling niyo!!" dinig ko ng galit na sigaw ng teacher sa loob ng room.

Naku naman... late na nga ako tapos mukhang badmood pa yung teacher tsk! Kung minamalas ka nga naman!

"Hala..yari ka late ka na..." dinig kong may nagsalita sa likuran ko at napatingin ako roon.

"Whitey??" bulong ko pa.

"Whitey?? Still yuck! Pumasok ka na dalian mo, alam mo bang ayaw na ayaw ng teacher na yan sa mga studyanteng late lagi." sabi niya pa.

Teka alam nya? Edi kilala nya tong prof na to?

"Hoy, ngayon lang ako nalate. Atsaka umabsent na lang kaya ako sa subject niya?? Kesa pumasok ako baka mamaya ay bigla akong batuhin ng marker niyan." sabi ko pa.

"Hindi yan, sige na at pumasok ka na dalian mo!" sabi niya pa at nag aalinlangan naman ako pero napihit ko na yung pinto at no choice na.

Marahan akong pumasok sa loob at lahat ay halos nakatingin sa akin.

Lagot na.

"G-g-good morning po Ma'am Torres, I'm sorry i'm lat----" kinakabahan pang usal ko pero...

"Mr. Velasco!!!" pangpuputol niya pa. "Why are you late??!" galit pang tanong nito.

"Ahh... ehh... kasi po... tinanghali ng gising..." nahihiya pang sambit ko.

Teka bakit ko sinabi?! Dapat ibang dahilan, tsk engot!

"Sit down!!" galit pa ring utos nito at naglakad naman ako patungo sa may upuan ko at nakatingin pa si red at shawn sa akin. Uupo na sana ako pero...

"Sandaleeee!!" sigaw nito kaya natigilan ako at marahang humarap sa kanya.

"At dahil late ka naman ng '20' minutes ay ikaw ang sumagot sa tanong ko!" pagdidiin niya pa.

"Ha??" naiusal ko na lang.

"What is the difference between 'Summarizing' and 'Paraphrasing'?! Etong mga butihing kaklase mo eh may kung anong pumasok sa utak at nakalimutan na raw--Nag ka amnesia na ata, Diba tinuro na yan sa inyo nung mga highschool pa lang kayo?!!" tanong niya at natigilan ako.

Kahit ako nakalimutan ko na rin ang pagkakaiba basta pareho silang konektado sa essay.

Di ko alam sagot...

"Ahh...Ma'am nakali--" usal ko na sana pero...

"Sundan mo lang sasabihin ko." Natigilan ako ng marinig kong may bumulong sa may tenga ko.

Whitey??

AwakeWhere stories live. Discover now