CHAPTER 19

0 0 0
                                    

Napahawak pa ako sa may dibdib ko at kinalma ang sarili ko sa di maipaliwanag na dahilan.

Bakit ba ako kinakabahan?? Nakakainis naman!

Ganto ba talaga yung pakiramdam kapag makakakita ng na-comatose na tao??

Marahan kong binuksan ang pinto at isinara ito. Nung nasa loob na ako ay mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko.

Relax Gen, multo nga nakakita ka na tapos pati ba naman sa taong parang tulog lang eh nenerbyosin ka pa rin?!

Marahan pa akong naglakad papalapit kila shawn at red at doon dumapo sa babaeng nakahiga ang paningin ko hanggang sa marahan akong nag-angat ng tingin at nakita ko ang itsura nito...

A-ano...

Bigla akong naestatwa sa may kinatatayuan ko nang makita ko yung mukha nung Luna...

Hindi... Hindi maaari.

Mas bumilis pa ang tibok ng puso ko at parang nangangatog ang buong katawan ko dahil sa nakita ko.

Imposible...

Whitey...

Doon ko na lang namalayan ang pagtulo ng luha ko habang nakatitig sa mukha nung babae na walang malay.

"Mahal kita, Gen"

"Mahal kita, Gen"

"Mahal kita, Gen"

Muling nagpaulit-ulit sa utak ko yung mga sinabi ni whitey sa akin noon.

P-paanong nangyari??

Bigla akong naglakad papalabas ng pinto at sinara ito saka ako napasandal habang nakatingin lang sa may ibaba.

"Kaibigan ka rin ba ng anak ko??" bigla akong natigilan ng marinig kong may nagsalita saka ako marahang nag-angat roon sa babae.

Napatitig pa ako sa kanya saka ako nagsalita...

"P-pwede ko po bang malaman kung anong nangyari sa anak niyo... at kung bakit siya nagkaganyan??" biglang tanong ko pa at bahagya pang natigilan yung babae at nagbaba ng tingin at iniiwas ito.

"Maupo ka muna..." suhestiyon niya saka ako marahang naglakad papalapit sa kanya at naupo.

"Ang anak ko.... Na comatose siya ng 6 na buwan at matagal kaming nanatili rito sa hospital. May aksidente kasing nangyari sa kanya na-----"

"--Na nahulog siya at nagpagulong-gulong sa may hagdan ng isang building na sanhi ng pagkabagok ng ulo niya." hindi niya naituloy nang magsalita ako at natigilan siya.

"Yun nga, yun nga ang dahilan. Nakita kasi sa Cctv na nadulas pala siya sa may hagdan." sabi pa ng babae at nakuyumos ko naman ang kamao ko habang nakatingin pa rin sa may ibaba habang salubong ang kilay.

Kung gayon ay tama ako??

Imposible...

Naramdaman ko naman na mas lalo pang tumulo yung luha ko dahil sa galit... galit sa sarili ko.

Bakit hindi ko man lang alam??!

Napakatanga ko!


"Kung gayon... si Whitey at Luna... ay iisa??" naiusal ko pa sa sarili ko.

Nakita ko namang bumukas yung pinto at lumabas si red kasunod ni shawn na nakatingin lang sa may ibaba.

"Tita, mauna na po kami... Salamat po." sabi pa ni red at tumayo ang babae.

Marahan din akong napatayo pero ang paningin ko ay nasa may ibaba pa rin.

"Mauna na po kaming tatlo, salamat po ulit." Paalam pa ni red at agad akong naglakad papatakbo papaalis at iniwan na sila, wala na akong pakialam kung magtaka pa sila sa akin.

Paglabas ko ng hospital ay agad akong sumakay ng jeep at di na ako babalik pa sa school at didiretso na ako pauwi ng bahay.

Pagpasok ko sa loob ay dire-diretso akong naglakad ni hindi ko na nagawang pansinin pa si Mom at agad akong pumasok sa kwarto ko at nilock ang pinto at marahang nagtungo sa may kama ko at binagsak ang katawan ko.

Napatingin pa ako sa may kisame ng kwarto ko at naiinis ako sa sarili ko sobra. Namalayan ko na naman ulit yung pangingilid ng luha ko at kahit ayoko ay kusang lumalabas yung luha sa may mata ko.

Kung ganon... nacomatose si Luna ng ilang buwan habang pagala-gala yung kaluluwa niya at yung kaluluwang iyon ay si whitey???

Pero bakit nagsinungaling siya sa akin?? Bakit hindi niya sinabi yung totoo?? Buong akala ko ay patay na siya pero nacomatose lang pala...



*Tok*tok*tok


"Gen, anak??" dinig kong sabi ni mom sa may labas matapos kumatok.

"Mom... I want to be alone." sagot ko lang.

"Ohh...okay, Naiintindihan ko. Kung may problema, wag mahihiyang lumapit kay Mommy ahh??" dinig ko pang sabi nito at di lang ako sumagot at namalayan kong umalis na siya.

Sorry Mom pero di ko na alam kung anong iisipin pa dahil wala na akong naiintindihan pa sa mga nangyayari.

Di ko alam kung anong gagawin at kung anong mararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay naduduwag ako, sobrang naduduwag ako.

AwakeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant