PROLOGUE

1.5K 22 0
                                    

Warning.... 18+



"Ma-La! Alis na po ako!" malakas na sigaw ko habang kinakawayan ang aking Lola at Lola na nagtsa-tsaa sa labas ng bahay. Kumaway rin sila pabalik at may malawak na ngiti.

"Gandeuur ng ngiti natin d'yan Bryn ah!" agad na salubong sa kan'ya ni Eugene, may sukbit na bag at malawak ang pagkakangiti sa akin dahilan para lumabas ang naka-brace n'yang ngipin, napa iling ako saka ako mabilis na lumapit sa kan'ya, agad n'ya naman akong inakbayan.

"Tsk, eh ikaw nga nabalitaan kong may iniwan ka na namang babae!" palibhasa ay gwapo magaling ng mambabae! Kahit sinong babae ang lumapit eh pinapatulan.

"Ano bang magagawa ko eh sila ang lumalapit? Saka problema ko bang masyado akong gwapo?" napaismid ako saka ngumiwi sa kan'ya.

"Alam mo Bryndis, masyado pa tayong bata para magseryoso, ikaw maganda ka kaya gamitin mo! Sayang lang kasi hindi tayo talo" kinurot ko s'ya dahilan para mapalayo ito sa akin.

"At kahit naman hindi tayo magkaibigan, hindi parin kita magiging type 'no! Playboy, major turn off yun!" nakanguso kong saad, malakas itong tumawa at pinisil ang ilong ko. Alam ko naman kung bakit ito ganito kaloko, kasi may nauna na nanloko sa kan'ya, ilang buwan din itong umiyak saka nagmukmok kaya alam kong sa ganitong paraan s'ya gumaganti.

Palibhasa ay iniwan s'ya ng babaeng mahal na mahal n'ya na kaibigan ko rin, tsk. Nung nagkahiwalay nga sila eh ako ang naipit dahil sa mga kadramahan nila sa buhay.

"Fourth Year college na tayo Eugene, saka twenty – two ka na! Dapat nagseseryoso ka na!"

"No! No! No! Ang bata-bata ko pa 'no! Ikaw ang magseryoso! Dahil siyam na taon na lang mawawala ka na sa kalendaryo!" agad nitong saad kaya mas lalo akong nainis, parati s'yang may bala kapag edad na ang pinag-uusapan!

"Eh ano bang meron kung trenta na wala pa akong asawa o jowa? Hindi naman mababago nun ang pagiging babae ko 'no!" saka ako umirap, sabay naming tinahak ang daan papunta sa college department.

"My friend Bryndis Flare, ayaw naman kitang makita na tumandang dalaga 'no! Saka gusto kong magkaroon ng inaanak sa'yo!"

"Gago ka ba?! Edi ikaw ang mag-anak! Saka ano naman kung hindi ako magka-asawa?"

"Eh diba pangarap mo magka-pamilya? Paano ka magkakaroon nun kung wala kang balak mag-asawa? Saka matanda na si Ma-La at Pa-Lo kaya dapat makita nila kahit papaano ang magiging apo nila" binatukan ko na.

" 'Wag mo nga akong madaliin! Saka mas gusto kong bigyan ng magandang buhay sila kesa anak agad! Ang bata-bata ko pa para 'ron! Baka nga ikaw maraming anak dahil sa dami ng babae mo!" asar ko rito pero ngumisi lang ang lalaki.

Magka-iba kami ng kurso ni Eugene, kaya naman parati rin kaming magkalayo, simula nung nag-OJT kami, sa street na lang kaming dalawa nagkikita pagkatapos ng aming mga school requirements.

We're childhood bestfriend, magkaibigan ang parehas naming lola pero mas naunang kinuha ni Lord ang Lola ni Eugene.

They are not my biological grandparents, hindi pa ako pinapanganak ay nawala na si Papa, habang si Mama naman ay namatay dahil sa panganganak sa akin, but after all, hindi nagkulang ang mga lola at lolo ko sa pagpapalaki sa akin, mas sobra pa ang pagbibigay nila ng pagmamahal sa akin.

They are so proud how I will finish my study, pero mas proud ako dahil hanggang ngayon ay sumusuporta sila sa akin.

I dream to have a family, Eugene is right. Dahil gusto kong magkaroon ng kompleto na sarili kong pamilya. I never doubt my grandparents pero may puwang parin talaga sa puso ko na kahit papaano sana ay nagkaroon ako ng nanay at tatay.

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum