CHAPTER THREE

821 11 0
                                    

Bryndis PoV

"PO?!" nagugulat kong saad, habang ang manager ay mukhang nagulat din sa nabibigla kong tanong. Nakagat ko ang pang – ibabang labi dahil sa pagiging OA ng sigaw ko. Hindi na ako magugulat kung kahit sa labas ay rinig na rinig ang boses ko.

"Yes Ms. Reyes, may problema ba roon?" hindi pa rin ako makapaniwala sa sinasabi ng babae sa harap ko. Kailangan ko pang kurutin ang sarili ko para magising kung panaginip man ito.

Napangiwi ako dahil sa sakit ng pagkakakurot ko sa kamay ko.

"E-Eh Ma'am, I mean bukas po talaga?" tumaas ang kilay ng manager, nagpapasensya.

"Yes, bakit parang gulat na gulat ka? I know that's a big company pero hindi mo naman kailangan matakot."

"B-Bakit po 'yong kape ko pa? I mean..."

"Bakit ayaw mo ba? May isang employee ang nakatikim ng kape mo, and she likes it kaya naisip niya na ito ang ibigay sa board members ng company nila."

Alam ko naman 'yon Ma'am! Nabanggit n'yo sa akin kanina pa!

"P-Pero Ma'am pwedeng ako ang gumawa tapos iba ang magdeliver! Pwede 'yon diba?" nangunot na ang noo ng manager dahil sa sinabi ko, dahilan para matuyuan ako ng labi.

"May problema ba Ms. Reyes? Ibibigay mo lang ang kape before their board meeting, anong mahirap doon?"

"P-Pero sabi n'yo po hindi po agad ako aalis?" kinakabahan kong tanong, ngumiti na ang manager at tumango.

"Yes, because the secretary told me na bukas ay ibibigay n'ya ang offer tungkol sa café, and that's a big opportunity for us, tataas rin ang sahod ng empleyado rito." Mas lalong bumiling ang tibok ng puso ko.

"Ibig n'yo bang sabihin ma'am, b-baka ipresent ko rin 'yong kape?! Sa board members?!"

"What's wrong with you today Ms. Reyes? Ano paulit – ulit kong sasabihin ang mga sinabi ko kanina? Antok ka pa ba?" naiirita na itong nakatingin sa akin dahilan para mas pigilin ko ang sarili sa pagiging lutang.

No! I can't act like this! Baka kung anong isipin ni Ma'am, o baka may naiisip na nga s'ya dahil sa pagiging OA ko!

"U-Uh... medyo nagugulat lang po Ma'am hehehe" dahil totoo 'yon!

How the hell I'm gonna act if I face h—

No! Hindi ko s'ya makikita, bakit ko naman s'ya makikita?!

"Ms. Reyes?" napapitlag na ako at tumikhim.

"S-Sige po Ma'am, pupunta po ako."

"Of course, because I will not accept a no too, especially it's a big offer" saad naman nito.

Para akong nakalutang habang lumalabas sa office ni Ma'am. Akala mo ay katatapos ko lang sa defense namin kung maging tulala ako!

I don't know if I can do that, pero kung hindi ko gawin ay sigurado akong matatanggal ako sa trabaho ora mismo!

Maaga akong pinalabas ng manager dahil gagawa pa ako ng presentation na habilin n'ya para bukas. Para akong natalo sa sitwasyon ko ngayon. Punong – puno ng mga tanong ang utak ko ngayon, pero hindi ko rin naman masasabi kung ano nga ba ang mangyayari bukas.

"Isang tigsa-sampung palamig ate" mahina kong saad, I need to drink! Para bigla akong naubusan ng energy dahil sa nalaman ko!

She texted last night kaya hindi rin ako nun pinatulog, at hanggang ngayon pa! Kaya pakiramdam ko ay pagod na pagod ko.

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon