CHAPTER TWENTY

591 13 0
                                    

Warning....



Marahan akong dumaing ang hinilot ang batok dahil sa pagod ngayong araw. Nauna nang umuwi ang mga kasama ko sa trabaho habang ang manager naman ay nasa opisina pa rin nito. It's already nine in the evening at nakita ko na rin si Draven na nasa labas, nakasandal ito sa sasakyan nito at agad na nagtama ang paningin namin.

"Mauna na po ako, ma'am" saad ko, ngumiti ito at tumango.

Isinukbit ko ang aking bag saka naglakad palabas. Pagod na pagod ang katawan ko, iyon lang ang alam ko. I want to sleep when I get home, parang hindi ko na kayang magpalit pa ng suot ko.

Agad na sumalubong sa akin si Draven at pinatakan ng halik ang noo at labi ko. With his warm touch and voice I feel like I'm okay now!

But when I walk, alam kong pagod talaga ako, I saw how worried he is but I just smile to assure him.

Hawak n'ya ang kamay ko habang nasa byahe kami, the kids are probably sleep by now, at dahil sa pagod ay wala na rin akong ganang kumain. Nang makarating sa bahay ay nagulat ako nang buhatin ako ni Draven! I protested but he just kiss my lips to shut me up.

"You're tired, and it's the least I can do" saad nito habang paakyat kami sa kwarto namin. Nang lumapat ang likod ko sa kama ay napadaing ako at agad na dinalaw ng antok.

Simula nang pumasok ako ay ganito na ang naging routine ko, dahil ilang subject na lang naman ang kinukuha ko ay medyo maluwag naman ang schedule ko, but I think I need to stop working sa second sem dahil mag ojt na kami. Tinanggap ng school ang lahat ng subject na nakuha ko na noon, and I'm still fourth year, but I need to take the remaining subject na nadagdag, saka ang iba pang major subject.

That's why I have night shift, after my three p.m end of class, ay diretso ako sa trabaho hanggang nine na o minsan nag o-overtime pa. But this is what I want, Draven offered homeschooling for me, pero hindi ako pumayag, bukod sa gusto kong makapagtapos ng pag-aaral, ay gusto ko muli maranasan ang pumasok sa eskwelahan. Experience being a student, again.

Pero hindi lang talaga mawawala ang ibang body guard na umaaligid, napapansin ko sila pero isinasawalang-bahala ko na lang, this is the only way to give Draven a peace of mind.

Mahirap ito, I really need to divide my time with my priorities, being a mother, a girlfriend, an employee, and especially a student. Mahirap pagsabay-sabayin 'yon kahit na alam kong talagang minsan hindi ko na nabibigyang oras ang mga anak ko dahil uuwi ako na tulog sila, o kaya naman pagod na pagod ako kaya wala na rin akong time makipaglaro sa kanila.

I feel so bad right now, kahit kay Draven ay alam kong nagkukulang ako, we can't do our usual routine every night, cuddling and talking about life, dahil uuwi akong pagod na pagod at gusto na lang talagang matulog. Minsan kahit weekend ay kailangan ko talaga pumasok sa trabaho o kaya naman ay may school activities akong kailangan tapusin o gawin. And I feel so bad for that, I know my children misses me, at ako rin naman, but they are trying to understand what I'm doing.

Nagising ako sa mararahang haplos sa paa ko, kinusot ko ang aking mata at nakita ko si Draven, nakaupo ito sa dulo ng kama habang hinihilot ang aking mga paa. My eyes watered because of it, marahan akong umupo at natigilan naman ito.

"What time is it?" tanong ko, it's still dark outside, pero alam kong umaga na.

"Four a.m love, you should rest more" at nilapitan ako, doon ko s'ya niyakap ng mahigpit. Doon ko lang napansin na iba na ang suot kong damit, and I know he changed my clothes. I can't help but get emotional.

I miss this.

"I love you" emosyonal kong saad, I felt him stiffened.

"Love..." ramdam ko ang gulat sa boses n'ya. I looked up him and I saw his teary eyes. I smiled and kiss his lips.

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon