CHAPTER SIXTEEN

621 15 0
                                    

Bryndis PoV

Matapos ang dalawang araw na pananatili ng pamilya ni Draven sa bahay namin ay minsan na lang sila pumupunta. Minsan ay ang kambal ang pupunta sa bahay nila. Dalawang linggo na ang nakakalipas at tahimik ang lahat, pero si Draven ay abala, may mga iba't ibang tao s'yang katawagan, at tuwing hinihilot nito ang sentido ay alam kung hindi maganda ang sinasabi sa kan'ya.

Tapos na ang periodical exam ng mga bata, that's why we decided to have mini picnic, kahit kasi nasa bahay sila, the two are too busy studying, minsan ay nasa kwarto sila at nag-aaral ng sabay. And I'm so proud of them,pupunta sila sa amin kapag hindi nila alam ang ibang nasa reviewer nila.

Kahit pakiramdam ko maayos ang paligid, alam kong hindi, magaling lang magtago ng emosyon si Draven tungkol sa nangyayari, dahil kahit ang magulang nito ay seryoso nakikipag-usap kay Draven, especially if it concerns their enemies.

These past two weeks, bigla kong naisip na bumalik sa pag-aaral, tapusin ito, kahit isang taon o ilang taon pa ay gusto ko pa rin. Kahit papaano naman ay may ipon na ako.

I already search some school na walang tuition, o medyo mababa ang tuition at may mga nakita naman ako. Ang kailangan ko lang ay sabihin ito sa mga anak ko at kay Draven. They need to know about my decisions too. Pero nasisiguro kong matutuwa ang kambal kapag nalaman nila papasok din ako ng school katulad nila.

"How's your day?" tanong ko kay Draven nang makasakay sa sasakyan, sinundo n'ya ulit ako.

"Tiring, stressful." Dalawang linggo na lang ay launching na ng librong matagal nilang pnaghandaan, kaya naman nagugulat ako kapag naririnig ko na nakakatanggap ng death threats ang company nila dahil masyaong kontrobersyal ang libro, but yeah, this man took the risk.

"I'll cook dinner for now, you should take a rest" saad ko, ngumuso ito saka nagsimula sa pagmamaneho.

Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming sinalubong ng kambal, they are always energetic, at kahit nakasuot pa ng coat ang tatay nila ay inaya na agad sa paglalaro, kahit na nakikilaro naman si Draven ay nakikita ko ang pamumungay ng mata nito kaya napabuntong-hininga ako.

"Twins, daddy look tired, kayo na lang muna maglaro" dahil sa sinabi ko ay tumitig ang kambal sa ama nila, habang si Draven naman ay bumaling sa akin at medyo umiling.

Ayaw na ayaw n'yang tinatanggihan ang mga anak, but he look really tired and worn out, and he need to rest!

"Okay! We will play tomorrow daddy!" masiglang saad ni Iris, hindi na nagpumilit na makipaglaro sa ama.

"You look tired daddy, rest po!" saad naman ni Blair, malamlam ang tingin ni Draven sa mga anak saka hinalikan ito sa ulo.

Nagtungo kambal sa recreational room nila habang naiwan naman kami dito sa living room.

"I can still play with them, lady" tumaas ang kilay ko at umiling.

"Go to our room, rest." Tumango ang lalaki nang makita ang matigas kong ekspresyon.

Para makita na sa kwarto s'ya nagtungo ay sumunod sa kan'ya. He removed all his clothes, at pumasok sa banyo. I bit my lip when I saw his butt cheek.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin saka lumabas ng kwarto.

Nang makarating sa kusina ay tumulong na ako kila Nay Norma sa pagluluto, agad na kumalam ang sikmura ko nang maamoy ang mabangong menudo.

Nang maihanda namin ang lahat ay pinatawag ko na ang mga bata, habang ako naman ay pumunta kay Draven para sabihin na magdi-dinner na.

"Draven?" kumatok ako bago pumasok, nakita ko s'yang nakahiga at nakabalot ng kumot. Kumunot ang noo ko at marahang lumapit sa kan'ya.

"Are you okay?" saka ako naupo sa tabi n'ya.

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]Where stories live. Discover now