CHAPTER TWENTY - THREE

452 7 0
                                    

Bryndis PoV

Sa nakalipas na mga buwan ay naging tahimik ang lahat, ang sabi ni Mr. Tabia ay wala pa silang nakikitang pagkilos, nahuli na ang mga lalaking nagtangka kumuha sa kambal and they are under investigation, pero masyadong matibay ang paninindigan nilang hindi magsalita. Their loyalty is so strong, lang buwan na silang hawak pero walang nakukuhang impormasyon ang mga pulis dito.

Ms. Cloudeth and Mr. Tabia are more serious sa mga nagdaang buwan, naiisip nila na may malaking plano ang kabilang grupo dahil sa pananahimik nila, at kailangan naming maghanda, tahimik ang kalaban kaya mas malaking threat iyon.

"Mommy let's swim!" bakasyon na ang mga bata kaya naman mas naging kampante kami. Simula nang magbakasyon sila ay madalas na kami rito sa rooftop dahil summer na nga, at dahil hindi kami makakaalis para mag bakasyon ay ito na lamang ang pinili namin.

Iris is enjoying the pool, while Blair is painting, nasa kubo ito at seryosong nag pi-paint, birthday gift ng daddy nito ang materials n'ya ngayon.

Draven is out for work, kaya ako ang kasama ng kambal.

Sumunod naman ako kay Iris at niyakap s'ya.

"Umahon na tayo baby, medyo umiinit na" saad ko, Iris have Polymorphous light eruption, ilang buwan pa lang nang malaman namin ang tungkol dito, nang sobra s'yang nainitan, and Draven panic kaya naman tumawag agad s'ya ng doctor, at dun namin nalaman ang sitwasyon n'ya.

Draven bought different sunscreen for her, pero natatakot na kaming mauliti iyon kaya kung maiiwasan ay ginagawa namin ang lahat para maiwasan namin.

Hindi naman nagreklamo si Iris, she understands her situation, at araw-araw naming pinapaliwanag ang lahat sa kan'ya, para hindi n'ya maisip na kakaiba s'ya.

Iris is busy eating cookies while watching her brother's painting, habang ako naman ay inaasikaso ang dapat ipasa sa mga school, ilang buwan na lamang ang bibilangin at ga-graduate na ako, kaya araw-araw na masaya ang puso ko dahil sa mga iba't ibang rason, kung hindi ko lang iisipin ang ibang problema ay maiisip ko na perpekto ang lahat.

Six p.m nang umuwi si Draven galing trabaho, at parang wala s'yang kapaguran dahil nagbihis lang ito at pumunta na sa recreational room para makipaglaro sa kambal, habang ako naman ay nagpunta sa kusina para magluto, I'll cook tinola for Iris, ilang araw na silang gulay at gabi-gabi talaga ay nagre-reklamo si Draven dahil puro gulay na raw ang kinakain nila.

"And you know what daddy? Naligo po kami sa pool! And we had mommy and babies bonding!" masiglang kuwento ni Iris sa ama nito, gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Draven, saka s'ya bumaling sa akin nang may pag-aalala, siguro ay naalala ang sitwasyon ng anak namin.

Nang maihatid namin ang kambal sa kwarto nila at pinanood silang matulog ng tahimik, ay saka naman kami pumasok sa kwarto. Dumiretso ako sa walk in closet para maghanda ng aking pantulog, at hindi na rin naman ako nagulat nang sumunod ang lalaki sa loob ng banyo. We stayed silently, feeling each other's heartbeats.

"I'm worried about Iris, do you think we need to bring her to US? Baka may mas mabuting gamot sa kan'ya" paulit-ulit n'ya iyong sinasabi simula nang malaman namin ang tungkol sa sitwasyon ni Iris, pero alam naman namin na hindi na iyon mawawala, we need to take care her a lot, at mabuti na lang dahil andiyan si Blair para alagaan din ang kambal.

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin kami makatulog, patuloy lang ang paghaplos ng lalaki sa buhok ko habang ako naman ay mahigpit ang yakap sa kan'ya. This is what we need after our tiring day. Time for each other, recharging, and comforting by our silence.

"I think we should drink milk" it's already 12 midnight at hindi talaga kami dalawin ng antok, kaya naman sumang-ayon na ako, at natawa pa ako when he piggy back me. Nang makarating sa kusina ay pinaupo n'ya ako sa stool chair saka s'ya ang nagtimpla ng gatas, nag-attempt akong umalis sa bangko, but Draven warned me kaya naupo na lang ako.

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]Where stories live. Discover now