CHAPTER SEVENTEEN

651 13 0
                                    

Bryndis PoV

Mahigpit ang yakap naming dalawa ni Draven sa isa't isa. Madilim pa sa labas at alas-kuwatro pa lang ng madaling araw, but we used to wake up early to cuddle and talk about our errands today.

"I want to visit you in your work" he murmured, while kissing my head.

"You'll work. Tatlong araw kang absent, at sa isang araw na ang official publishing ng libro diba?" tatlong araw si Draven na absent dahil hindi talaga ako pumayag na magtrabaho agad s'ya pagkagaling n'ya sa sakit.

"Malapit lang naman ang kompanya sa trabaho mo" kinurot ko s'ya dahilan para matawa nito.

"No, focus on your work, but don't overdo it"

"I know, lady. Namiss ko ang mga bata" sa tatlong araw na iyon, hindi hinyaan ni Draven na makalapit ang mga bata sa kan'ya dahil natatakot itong mahawaan ang mga bata, kaya kahit miss na rin ng kambal ang daddy nila, they choose to follow their dad's request.

"Makakasabay ka na naman mag-breakfast sa kanila ngayon" saad ko, he sighed. Mas isiniksik ang mukha sa leeg ko.

"I want to sleep more" dahilan nito, ayaw talagang pumasok sa trabaho. Natawa na lang ako at nailing. I didn't expect that the Big Boss of Drazel Publishing Company is a big baby!

Ilang minuto pa kaming nakahiga pero parehas naman kaming gising. Parehas naming dinadama ang paghinga ng isa't isa, and I feel so contented with it.

Makalipas muli ang ilang minuto ay napagpasyahan ko nang bumangon, and the big baby beside me groan.

"Aasikasuhin ko pa ang mga bata Draven, don't be a big baby" ngumuso ito habang nakakunot ang noong nakatingin sa akin.

"Ako muna ang asikasuhin mo" he said sexually dahilan para pandilataan ko ito.

"Draven!" mariin kong saway, tumawa ito at naupo sa kama habang pinapanood akong ipusod ang buhok ko.

"You're really a beauty, Bryndis" tumindig ang balahibo ko nang banggitin nito ang pangalan ko, marahan at puno ng lambing. Tinawag na naman n'ya ako noon sa pangalan ko, but this is different. I can feel all his emotions.

Natigilan ako nang tumayo ito, wearing only his boxer. Matamis ang ngiti nitong lumapit sa akin and reached out his phone. May kung anong pinipindot doon at natigilan ako nang nagplay s'ya ng music!

Sa unang tugtog pa lang nito ay agad na tumalon ang puso ko. Marahang inabot ni Draven ang mga kamay ko at ipinatong n'ya iyon sa balikat ko, at agad naman n'ya ipinulupot ang dalawang braso sa bewang ko. He swayed his body, and I can't but smile.

"Let's dance, lady" at pinatakan ng halik ang noo ko.

~ Tumatalon ang puso

Sa tuwa ay patungong langit na ata, ikaw ang kasama

Sa titig pa lang tunaw na...

Hawak sa kamay... wala na, akong palag sa...

Ay pag-ibig na ata.

Damang-dama ko ang bawat liriko ng kanta, dahilan para maging emosyonal ako, at punong-puno ng magagandang nararamdaman kong tinitigan ang lalaking nasa harap ko, at marahan akong isinasayaw.

~Sa ilalim ng kalawakan

Pangalan kong isisigaw...

Sa ilalim ng buwan ay titigan

At hawakan aking kamay...

Isasayaw ka ng dahan-dahan,

hanggang di mo mamalayang ako na pala ang 'yong kailangan

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon