CHAPTER ELEVEN

933 17 1
                                    

(R-18+)

Be a responsible reader everyone!

***

Bryndis PoV

"Check all the security in this village, I need five more bodyguards, yes. Thank you"

Tuwing umaga ay iyon ang naririnig ko, minsan ay 'yon pa ang nagiging dahilan para magising ako, hindi s'ya umaalis sa kama kahit may katawagan s'ya kaya naman minsan ay naaalimpungatan ako dahil sa tawag n'ya.

He's been more protective nang malaman nito ang tungkol sa nangyari sa kambal, he started to hire a lot, as in, lot of bodyguards na nagbabantay sa village at bahay, may bodyguard din sa school ni Iris at Blair, hindi pinaalam ni Draven sa kambal ang tungkol dun dahil ayaw n'yang maging uncomfortable ang mga anak.

Kahit sa trabaho ko ay may bodyguard din na nasa malayo.

I can't forget how he show his anger at me, nang malaman nito ang tungkol sa nangyari sa kambal. Ilang araw n'ya akong hindi pinansin, he's busy looking after my twins, minsan ay natutulog s'ya sa kwarto ng mga bata. Mas naging maingat s'ya, at parating ni-che-check ang cctv sa buong kabahayan.

My kids felt it weird, about their fathe's action pero hindi naman nila iyon sinabi sa akin, kahit na napapansin ko iyon.

"D-Draven" I called his name, matapos ang ilang araw n'yang pagpapakalma sa sarili ay bumalik na ulit s'ya sa kwarto.

"Matulog ka ulit Bryndis" saka nito hinaplos ang ulo ko.

"You called the head of security agency again, maayos naman ang lahat, ilang buwan na iyon pero wala namang nangyari ulit" natigil ito sa paghaplos dahilan para mapatingin ako sa kan'ya.

"It's not months lady, it's been years, at ngayon ko lang ito nalaman! That there's threat in your life! Na out of sudden nagpakita ka sa akin! W-What if nakuha talaga sila?"

"Then mababaliw ako, bago mo pa malaman Draven ay wala na ako sa sarili" mahina kong saad, lumapit s'ya sa akin at muling hinaplos ang buhok ko.

Napapikit ako dahil sa marahan nitong kilos, gentle and warm.

"At ang nangyari months ago? I'm proud of them, I'm so proud of them"

"Hindi ko naman inaasahan ang lahat, akala ko ay mistaken identity lang ang nangyari sa kambal noong una, but when they attacked Eugene and tried to take my twins alam kong sinadya ang lahat"

Tahimik lamang ito habang patuloy parin ang paghaplos sa buhok ko.

"Wala akong ibang kaaway, wala akong naalala na may naging kaaway ako, na may galit sa pamilya ko, kaya wala akong maisip na taong pwedeng gumawa nun sa amin, sa kambal"

Dahil wala rin naman akong ibang ideya, akala pa namin ay si Draven.

"Our family, hindi lang ikaw ang magulang ng kambal" napatingin ako sa kan'ya, nakatingin ito sa kawalan.

"What do you mean?"

"I am their father, and my family have lots of enemies" natigilan ako sa sinabi nito.

"Especially my dad" kung hindi lang nakapulupot ng braso nito sa bewang ko ay nakalayo na ako sa kan'ya dahil sa gulat.

Posibleng hindi sa akin galit, kung hindi kay Draven?!

"A-Anong..."

"You see lady, our family is well – known in business industry, kahit saang parte ng bansa, bata palang ako nakikita ko na may mga taong galit sa tatay ko, mabait s'ya pero dahil sa inggit marami paring nagagalit. Malaki ang posibilidad na sa aming pamilya ang rason nito"

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]Where stories live. Discover now