CHAPTER THIRTY-FIVE

354 4 0
                                    

Bryndis PoV

After years, chaos is still under the roof. When Blair moved to US, bumalik na naman ang katahimikan, if Dagian is not that jolly siguro ay baka may tumira nang mga multo sa bahay dahil sa sobrang tahimik.

I dream to have a complete and happy family, pero ngayon ko lang naintindihan na hindi lahat ng pangarap ay natutupad even you did everything to let it happen.

Iris is still nowhere to be found, and it's devastating dahil ngayon ako nag o-overthink na baka nga wala na s'ya, we're just in denial that she's alive. Sa paglipas ng mga araw ay mas bumibigat ang damdamin ko, I miss Blair, and I miss my Iris. Kung hindi ako nagta-trabaho ay baka nga mabaliw na ako sa mga halo-halong emosyong na nararamdaman ko.

Lumuluha akong nakahiga, alas dose na ng gabi pero hindi pa umuuwi si Draven, tatlong linggo na ata s'yang ganito, na malalim na ang gabing umuuwi o minsan umaga. He never explain why kaya mas nag o-overthink ako. Hinahayaan ko na lang dahil kilala ko s'ya. Sasabihin n'ya kung bakit nangyayari iyon, pero lumipas na ang ilang linggo ay iyon parin ang nangyayari!

Tulala akong nakatingin sa sarili ko, halos maitim na ang ilalim ng mata ko, magulo ang buhok. Parang hindi ko na kilala ang nasa harapan ko. I feel so insecure and all!

Wala akong ganang bumaba at agad kong nakita si Dagian, nakasuot ito ng t-shirt at pajama n'ya. He has no class.

"Good morning, mom!" masigla nitong bati pero agad ding nabawi nang makita ang hitsura ko, simple na lang itong ngumiti at hinalikan ang pisngi ko.

He's already twelve, ang laki-laki na n'ya. Naghahalo ang hitsura ni Iris at Blair sa kan'ya, and his eyes makes him more attractive.

"Maagang pumasok sa trabaho si dad--" naputol ang sunod n'yang sasabihin nang bigla na lang akong umiyak. Mabilis n'ya akong dinaluhan at niyakap.

"Shhh.. mom why are you crying? Did you and dad fight? Napapansin kong ilang araw na kayong hindi nag-uusap mom, hindi ko na rin kayo nakikitang kumakain ng sabay" mas lumakas ang pag-iyak ko nang sabihin n'ya iyon. Umiling-iling ako at mahigpit na niyakap si Dagian, masakit na sa dibdib ang isipin na hindi na nga iyon nangyayari, ni ang pag-uusap namin tuwing gabi ay hindi na nangyayari!

"I-I think your dad has another woman" umiiyak kong saad, naramdaman ko ang pagkabigla ni Dagian.

"M-Mom.. why are your saying that? T-That's dad!"

At iyon din ang tanong ko sa sarili ko! Pero bukod sa isang dahilan ay wala na akong ibang maisip na dahilan pa!

"Sa tingin mo ay maiisip kong gagawin n'ya iyon Fawz Dagian? Hindi! Ilang linggo na s'yang malalim ng gabi na umuuwi! Minsan ay inuumaga pa! At minsan hindi ko naaabutan tuwing umaga dahil maagang pumapasok sa trabaho! Hindi naman s'ya ganiyan! Kahit marami s'yang trabaho hindi s'ya ganiyan! May babae s'ya!" umiiyak kong saad.

"Mom, don't easily jump to conclusion, baka sobrang busy talaga si Dad.. do you want me to talk to him?" agad akong umiling.

"No! Wag na wag mo iyang gagawin! Bahala s'ya sa buhay n'ya! Magsama sila ng babae n'ya!" pero agad ding sumikip ang dibdib ko nang maisip na may ibang babae ito.

I know Draven will never do that pero wala akong ibang maisip!

"D'you want me to call Kuya Blair?" umiling muli ako, ayaw kong maistorbo si Blair sa pag-aaral, alam kong focus s'ya dun at kailangan n'ya iyon, lalo na't nabalitaan namin na nagta-trabaho nga ito.

"Mom, talk to dad, you're always telling us that communication is always the key" sunod-sunod akong umiling, hindi ko iyon kayang gawin ngayon lalo na at may dahilan akong naiisip sa ginagawa n'ya! Ayaw kong sabihin kay Draven ang dahilan ko dahil alam kong masasaktan ko s'ya, na pinagdududahan ko s'ya.

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon