CHAPTER THIRTY

374 8 0
                                    

Bryndis PoV

Nang magising ako ay nandito na ako sa kwarto namin ni Draven, kaya naman nagtaka ako. Nang makatulog ako ay katabi ko si Blair at nasa kwarto n'ya ako, bakit ngayon ay nandito na ako?

Buong pag-iingat akong bumangon at akmang tatayo para lumabas ng kwarto, nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang katulong kasunod si Blair.

Hindi panaginip ang lahat!

Nakita ko ang pag-ngiti ni Blair at marahang paglapit sa akin.

"Are you okay now mommy? I asked them to bring your breakfast here because you need to rest!" kahit may sigla sa boses nito ay nakikita ko ang kakulangan sa emosyon n'ya. I can see how sad is his eyes, pero hindi ko na iyon pinansin dahil alam kong hanggang ngayon ay mahirap sa kan'ya ang nangyari, mahirap sa aming lahat.

Ngumiti ako at inabot ang kamay n'ya saka pinaupo sa tabi ko.

"Okay na si Mommy, Blair. I can walk now!" nakangiti kong saad, ngumuso si Blair, at maya-maya pa'y umiling.

"You can mom, but you need to rest for the baby, I can take care of you!" hindi nawala ang pagguhit ng lungkot sa mata nito nang banggitin n'ya ang huling sinabi.

Napabuntong-hininga ako at hinalikan s'ya sa noo.

"If that's what my baby wants, pero paano ako napunta rito? May nagbuhat ba sa akin?" tumango ito.

"I asked the doctor to bring you here mommy, you're uncomfortable sleeping in my bed" hindi naman malaki ang kama ni Blair, pero wala naman sa akin kung hindi ako komportable sa pagtulog, basta katabi ko s'ya. But maybe he's thinking about the baby.

"Ganun ba? Should we eat now?" napansin ko kasing dalawa ang plato na nasa tray, kaya alam kong kaming dalawa ang magkasabay sa pagkain. Ngumiti si Blair saka nag-asikaso ng mga plato.

Hindi ko maiwasang maging emosyonal habang pinapanood s'yang nag-aayos ng mga plato, maliit pa ang kamay nito para sa mga ganoong gawain, at hindi ko kayang makita s'ya na ginagawa iyon. Kaya naman tumayo ako para tulungan s'ya.

He looked at me ridiculously, saka sunod-sunod na umiling at mabilis akong inalalayan.

"I will help you son, I can do this"

"I know, but let me." Saka ako pinaupo, hindi ko na napigilan ang maluha, he's really back! His sweetness and all!

Nakita kong nagpanic ito nang makita ako, mabilis na kumuha ng tissue at ipinunas sa luha ko.

"D-Don't cry mommy, the baby" kinakabahan na saad ni Blair, kaya naman tumango ako at pinigilan ang sariling umiyak.

Nagpatuloy s'ya sa pag-aasikaso ng mga pagkain saka iniabot sa akin ang plato.

"What food do you like, mommy?" napanguso ako saka s'ya hinalikan sa noo.

"Thank you for these son, but let me feed you, let me take care of you too, okay? Anong pagkain ang gusto mo?" kita ko ang pag-aalangan sa mukha n'ya, bago sinabi ang gusto.

Buong galak kong nilagyan ng mga pagkain ang plato n'ya, at mas natuwa ako nang makakita ako ng mga paborito kong prutas sa tray.

I want to ask him about Iris, anong nangyari sa kanilang dalawa, saan sila dinala ng mga Deloserio, but I can't hurt him, dahil alam kong kahit isa sa mga iyon ay itinanong ko alam kong maalala n'ya muli iyon, masasaktan at madudurog, at iyon ang pinaka ayaw ko ng mangyari sa kan'ya. Ayaw ko na s'yang makitang mahina at nahihirapan.

Masaya naming tinapos ang pagkain, at hinayaan naman ako si Blair na pumunta sa banyo, to do my morning routine.

I was about to go out when I heard Blair's voice outside, tila may kausap ito!

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن