CHAPTER TWENTY-ONE

566 10 0
                                    

Bryndis PoV

Draven's parents are so worried about what happened to him, alalang-alala ang mga ito dahil sa nangyari, and I can sense that Blair already know what is happening inside and outside his father's roof. Sino bang hindi? Halos araw-araw na pumupunta rito si Mr. Tabia saka iyong pinsan n'ya. And Blair is smart kaya alam kong may alam s'ya.

Mr. Tabia didn't allow Draven's parents na umuwi nang bumisita, dahil pakiramdam nila ay nasa paligid lang ang may gustong magbigay ng kapahamakan sa pamilya nito. And even the village have a great security, eh hindi naman masasabi na paglabas ng village ay safe.

Mabuti na lang at malaki talaga ang bahay ni Draven, pwedeng ma-accommodate ng ilang tao pa. Kaya naman tuwang-tuwa ang kambal nang malaman na dito muna pansamantala ang lolo at lola nila, ganun na din ang pinsan nito.

Mukhang mas maayos ngayon si Draven dahil alam n'yang kasama niya ang pamilya niya. Hanggang hindi nakakalipat ang pamilyan nito sa bahay n'ya ay alam kong nababalisa s'ya. And now, that they moved, mas kalmado s'ya ngayon.

Hindi man n'ya sabihin na problemado s'ya, ay napapansin ko iyon. Kung hindi rin magmakaawa sa akin si Draven na mag homeschool ako, at mag-resign sa trabaho ay hindi ako papayag, because I know how scared and worried he is kapag umaalis kami sa village. Ang kambal naman ay talagang may body guards. Kinausap na ng agency ang school tungkol sa paghigpit ng seguridad ng paaralan, dahil ayaw ni Draven na madamay ang ibang bata tungkol sa gulo.

We can't just decide na mag-homeschool ang mga bata, dahil unang-una, hindi nila maiintindihan ang rason, at baka matakot sila, and that's the least we want them to feel, lalo na si Draven. Sinabi niya na ayaw n'ya na ulit makita ang takot sa mga mata ng kambal.

"Are you okay?" mahina kong saad, madaling-araw pa lang pero gising na kaming dalawa. He's caressing mga back and kissing my forehead.

He sighed, iyon pa lang ay alam kong hindi. I kissed his jaw and hug him more.

"You know, you can tell me what is the problem, I'm your girlfriend, I want to listen."

Hindi ko na naituloy ang sunod kong mga sasabihin dahil sa pagsilay ng matamis nitong ngiti sa labi, kumunot ang noo ko pero maya-maya ay napangiti na rin.

I love when he smiles, mas mukha s'yang mabait.

"I don't want to worry you, just love me." Napabuntong-hininga ako, iyon palagi ang sinasabi n'ya kapag nagtatanong ako tungkol sa problema n'ya, because I know, may problema talaga, malaking problema, and I want to hear his thoughts.

"I love you, pero gusto kong malaman ang mga nasa isip mo, I feel so useless kapag nakikita kong problemado ka at wala akong magawa" mahina kong saad, habang marahang hinahaplos ang braso n'ya.

"I will tell you if it's all settle, just relax and look after our children, okay?" wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag dahil alam kong hindi ko naman talaga s'ya mapipilit.

Six a.m na kami bumaba, and I'm not surprise anymore nang makita muli si Mr. Tabia saka si Ms. Cloudeth sa baba, but this time may kasama na silang bago, and I know him, sino bang hindi?

Beside Ms. Cloudeth is Mr. Cairro Hue Villaborde, the son of Senator Villaborde, ang nakulong na senador because of his dirty works. Pero ang alam ko ay hindi rin naman tunay na anak ito.

Parehas silang yumukod at bumati ng magandang umaga, nakangiti ko rin silang binati.

"Punta lang ako sa kusina" mahina kong saad when they are all settled.

Nang makarating sa kusina ay tumulong na rin ako kila Nay Norma dahil may mga bisita kaya marami rin ang lulutuin.

In terms of buying groceries, at iba pang kailangan sa bahay, may ni-hire si Mr. Tabia para riyan. Kaya naman hindi na rin pinapaalis ng bahay ni Draven sila Nay Norma.

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon