CHAPTER SIX

921 18 0
                                    

Bryndis PoV

Tahimik kong pinagmamasdan ang dalawang bata na panay ang sigaw habang naglalaro ng tubig dito sa swimming pool, they look so happy and carefree.

At iyon ang gusto ko.

They are not ready for this kaya naman hinayaan na ni Draven kung anong suot ng dalawa, habang tahimik n'ya ring pinagmamasdan ang mga bata, pero maya – maya pa'y naghubad ito ng damit para makiligo sa dalawa, mabilis akong nag – iwas ng tingin at bumuntong – hininga.

Hindi kami nag – usap dalawa kaninang madaling – araw, and not because he's acting like this, ay okay na. Sa pagtiim pa lang ng bagang nito, at ang apoy sa mata n'ya tuwing tumitingin s'ya sa direksyon ko ay nasisiguro kong galit ito. Hindi lang galit.

Galit na galit.

"Mommy join us!" at sa huli'y tumili si Iris dahil agad na binuhat ni Draven ito. Natawa ako at nailing. I saw how Blair watch their father, kahit nakikita kong kalmado s'ya ay alam kong marami itong iniisip.

He accepted their father, but that doesn't mean na hindi s'ya magtatanong o kaya mga tanong. The way he looked at his father, he's happy, pero may iba pang meaning sa likod ng mga emosyong iyon.

Hindi ko lubos na kilala si Draven, kung tutuusin ay ito na ang pinakamahabang oras na magkasama kami, at wala akong alam sa kan'ya. Pero isa lang ang nasisiguro ko, nakuha ni Blair ang kung ano mang ugali si Draven, dahil hindi ako gan'yan nung bata. I'm jolly and loud, like Iris, pero hindi ko rin maipagkakaila na may ugali rin si Iris na seryoso katulad ni Blair.

"Mommy..." napakurap – kurap ako nang may malamig na mga daliri ang lumapat sa kamay ko, at dun ko lang napansin na nakalapit na sa akin si Blair. Mabilis akong ngumiti at hinila s'ya palapit, hindi ko na inalintana ang basa n'yang damit.

"Yes baby?" tanong ko.

"He's our dad right? I don't doubt that, we're the same, and I look like him" mahina n'yang saad dahilan para matigilan ako at mabilis na bumaling kay Draven na ngayon ay nasa amin ang atensyon, napalunok ako ng matiim ang tingin nito at nakakunot ang noo. He clenched his jaw.

"Yes baby, why?" Blair is too serious about this.

"Why just now?" mas nabigla ako sa bigla nitong tanong.

"Blair..." nabibigla kong tanong. He pouted and sigh.

"I'm happy that I met him, that Iris was able to meet our father, bond with him and be happy, but why just now? We waited for years, bakit ngayon lang..po?" parang pinipiga ang puso ko dahil sa mga tanong nito. I knew it! I really knew it!

"We will talk about this kapag nakapagbihis na kayo, we should go downstair" pinilit kong iwasan ang tanong nito dahil hindi ko kayang sabihin ang sitwasyon namin, bakit kami nandito. They witnessed horrible incident, at ayaw kong ibalik sa kanila iyon ngayon.

"Why mommy? Why can't you answer me po? Bakit ngayon lang namin s'ya nakilala?" mas kinabahan ako dahil umahon na si Draven habang si Iris naman ay nasa isa pang lamesa na may bubong habang umiinom ng mango shake.

"Blair, um... we will talk later" mabilis itong umiling at mahigpit na kinapitan ang kamay ko. He didn't even notice his dad's presence!

"I want to know mommy! Bakit ngayon lang s'ya? Bakit hinintay n'ya pa na mangyar-"

"Blair! We will talk later, okay?" hindi ko na naiwasan na maitaas ang tono ng boses ko dahil sa susunod na sasabihin nito, nakita kong matigilan ang anak ko.

"Bryndis" Draven warned me, agad akong kumalma at yayakapin na sana ang anak kong lalaki na mukhang iiyak na pero agad itong binuhat ni Draven at inalo kahit na hindi pa naman umiiyak ito.

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]Where stories live. Discover now