CHAPTER THIRTEEN

795 12 0
                                    

Bryndis PoV

Tahimik kong pinanonood ang mga bata na naglalaro ngayon sa swimming pool with their father, it's been a three days since that call, at hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang mga narinig ko at mga sinabi n'ya.

How come he act so cool and unbothered even he's receiving death threats? At ni minsan ay hindi n'ya iyon nababanggit sa akin?

He told me, ayaw n'yang mamroblema ako sa bagay na iyon, but I am also his partner by protecting the twins.

Sumimsim ako sa strawberry shake sa harap ko, maybe it's better na hindi talaga alam ng mga bata. They look so happy, at kapag narinig o nalaman nila ang tungkol sa nangyari noon, baka matakot na sila at kung ano – anong isipin.

"Masakit na sa balat ang init, umahon na kayo d'yan" saad ko saka kinuha ang mga tuwalya nila, mabilis naman silang kumilos at inabot sa kanila ang mga towel.

Dito na rin sila sa isang kwarto nagpalit ng damit at sabay – sabay kaming bumababa para manghalian.

"Family day baby? Kelan 'yon?" tanong ni Draven habang nilalagyan ng kanin ang plato ko, I act so cool with his gestures this past few days, pero talagang palaging nagpapalpitate ang puso ko tuwing ginagawa n'ya iyon!

"Next month daddy!" sagot ni Iris.

"Oh? What's the plan?" saka bumaling kay Blair.

"Sinabi lang po ni teacher na may family day, pero next next week daw po ibibigay ang schedule po!" sagot naman ng anak, napatango – tango kaming dalawa. I saw Iris smiled widely, kaya nagtaas ako ng kilay sa kan'ya.

"We will celebrate Family Day with complete family now! Yehey!!" and she cheered loudly, napatingin ako kay Draven na manghang nakatingin sa anak.

"And you will celebrate family day forever with me" nakangiting saad ni Draven dahilan para mapangiti ang dalawang bata at masiglang kumain.

Wala akong ibang ginawa kung hindi ang pagmasdan silang masigla at masayang kumakain, kung hindi pa mapapansin ni Draven ang pagtigil ko sa pagkain ay baka tumigil na nga ako!

"Sigurado ka bang isasama mo ako sa kompanya?" kinakabahan kong saad, nakasuot na ako ng medyo formal na damit na naman, dahil sinabi n'ya kagabi na isasama nga n'ya ako.

"Yes, may problema ba ron? Aren't you ready?" sinusuot na nito ang button down shirt.

"H-Hindi naman sa ganun, pero... baka magtaka sila..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang lumapit s'ya sa akin, tatlong butones pa ang bukas sa suot n'ya.

"Magtaka na? If you're not ready to be introduce as the mother of my children, then I'm okay with that--"

"Hah?! Ipapakilala mo akong..." natitigilan ako tuwing pumapatak ang tingin ko sa malapad n'yang dibdib.

"What do you expect me to do? Everyone needs to know about you, about our children, but if you're not ready..." binitin nito ang sasabihin saka hinawakan ang baba ko para magtama ang tingin namin.

"B-Binigla mo kasi ako, h-hindi mo sinabi sa akin kagabi" sagot ko naman, nalalasing sa mga titig n'ya.

"Well, if you're not ready" and he kissed me teasingly, napapikit ako.

"Hindi naman sa ganun, o-okay, I-I'm ready" wala sa sarili kong saad, nakita ko ang pagtaas ng kilay n'ya at paglayo sa akin ng konti.

"Really?" marahan akong tumango.

"O-Oo"

"Well, we're settled now, can you button the three buttons?" saka nito tiningnan ang suot. Napalunok ako at tumango.

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]Where stories live. Discover now