CHAPTER ONE

1K 21 0
                                    

Bryndis's PoV

"Mommy! Where's po my socks?" tahimik akong nag-aayos sa hapag-kainan nang maramdaman ko ang maliliit na daliring lumapat sa aking mga hita, at agad akong napangiti nang makita si Iris na nakatingin at nakanguso sa akin, nakatingala ito dahilan para makita ko ang mabibilog nitong mata at may pagtatanong.

I chuckled and pinch her cheeks that made it red.

"Ouch mommy" cute na reklamo nito pero natawa lang ako.

"Here's your socks little spoil tsk... sometimes you need to use your eyes little spoiled" nakakunot ang noong saad ni Blair at hawak nito ang puting medyas pero may strawberry design sa gilid.

"You hide it Kuya" nakangusong saad ni Iris pero talagang hinintay pa ang kapatid na lumapit sa kan'ya at ibigay ang medyas! May pagkatamad talaga ang batang ito.

"And why would I? I don't like strawberries" nakangiwing saad ni Blair, but his eyes have playful emotions.

"Strawberries are delicious! And they are red so I like them" banat naman ng kapatid saka naupo sa sahig at isinuot ang medyas.

"Where are you going then? Why are you asking for your socks?" at bumaling sa akin si Blair pero nagkibit balikat lang ako.

"I just want to wear it Kuya" at hirap na hirap itong isuot dahil sa maliliit na braso, natawa na lang ako. Pero bago ko pa matulungan ito ay agad na lumuhod ang kapatid saka tinulungan sa pagsusuot ng medyas.

Wala sa sarili akong napangiti at tinitigan ang dalawa, they are growing so fast, parang noon lang ay sabay silang umiiyak kapag hindi napa-dede or puno ng ihi ang diaper nila.

"You're scaring me mommy, you're smiling alone" nakangiwing saad ni Iris habang nakatingin ang dalawa sa akin, I chuckled and shook my head.

"Let's have our breakfast? Hmm?" magiliw na tumango ang dalawa saka ko sila binuhat paupo sa bangko nila.

"You'll attend your school next month okay?" napanguso si Iris habang si Blair naman ay bumuntong-hininga bago yumuko at nagtuloy sa pagkain.

"Do we really need to attend school mommy? I mean you're not attending too" Iris asked.

"Anak, mommy has work that's why hindi na ako pumapasok"

"Then I'll work too mommy, I don't want to attend to school" nakita ko na bahagyang tinampal ni Blair ang braso ng kapatid dahilan para mas mapanguso si Iris.

"Why? Bakit ayaw mong pumasok? Care to tell me?" nag-aalangan na tumingin sa akin si Iris at sa kan'yang kapatid, pero ngumisi lang ang bata saka kinuha ang isang pirasong tocino at inamoy ito.

"Hmmm.. I love the smell of Hotdog – este Tocino mommy!" napabuntong-hininga ako sa sinabi n'ya at nangiti na lang, nakita ko ang pag-awang ng labi ni Blair saka walang imik na nagtuloy sa pagkain.

Tahimik kong pinagmamasdan ang dalawa kong anak habang tahimik silang kumakain, not their usual behavior when they are eating.

Napaka-ingay ng dalawang ito kapag kumakain, kung ano-anong pinagki-kwentuhan, masyado rin silang malikot habang kumakain kaya makalat ang hapag-kainan pagkakatapos, but today is far different from that.

Napakasinop ng kilos nila at hindi rin nagsasalita.

"Something's wrong, care to tell to mommy? Hmm?" tumingin sa akin ang dalawa saka tipid lang na ngumiti at nag-iwas ng tingin, when they do that... it means they don't want to talk about it.

Bumuntong-hininga na lang ako saka kumain na rin ng umagahan. After them having breakfast, they went to their room not their usual routine too, dahil pagkakatapos nilang kumain ay diretso sila sa sala to watch some cartoons, kulang na nga lang ay ihagis ko sila sa kanilang mga banyo to brush their teeth.

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon