CHAPTER FOUR

840 14 0
                                    

Bryndis PoV

Kanina pa palakad – lakad si Eugene sa harap ko habang sapo n'ya ang kan'yang noo. Kalalabas n'ya lang sa trabaho at dito agad s'ya nagpunta nang mabanggit ko sa kan'ya ng tunkol sa sulat.

Gusto kong hindi sabihin sa kan'ya, pero s'ya na lang ang kasama ko sa buhay, at hindi ko rin alam ang gagawin ko, kailangan ko ng kasama tungkol dito, dahil pakiramdam ko bumabalik na naman ang kinakatakutan ko!

"Wala ka bang ibang ideya kung sino 'yon? Wala kang kaaway!" mariin nitong saad pero sunod – sunod akong umiling. Wala akong maisip kung sinong pwedeng may galit sa akin! Mabait ang lola at lolo, wala naman akong nakakaaway!

A-At bakit n'ya sinabing pamilya? Alam n'ya ba na may anak ako?

"H-Hindi kaya i-iyong kumuha sa kambal s-six years ago?" kinabahan kong saad, nakita ko s'yang matigilan at lumapit sa akin.

"Hindi imposibleng iyon nga! P-Pero ang gusto kong malaman ay bakit?!" naiinis nang saad nito, pero sunod – sunod akong umiling.

Parang natatakot na akong papasukin muna sila!

"Mommy!" lumabas sa kwarto si Blair at agad na yumakap sa akin, nang maramdaman ko ang mga maliliit n'yang bisig sa akin ay lalo akong natakot!

"Are you okay mommy?" nakatingin na pala sa akin ang bata, ngumiti ako sa kan'ya dahilan para sumimangot ito at matalim na tumingin sa kan'yang Ninong Eugene na medyo nagulat pa.

"Oh? Wala akong ginagawa sa mommy mo!" wala pang sinasabi ang anak ko ay mukha nakuha na ni Eugene ang tinutukoy ng bata.

Ngumiwi ang anak ko at yumakap muli.

"What do you want Blair?" tanong ko, ngumiti ng matamis ang anak ko.

"Pasta?" natawa ako sa sinabi n'ya at tumango na lang, malapit na rin naman magmeryenda kaya mabuting magluto na lang ako ng spaghetti para mawala na ang iniisip ko.

Noong nakaraan iyong lalaking napansin kong pinagmamasdan ako, hindi ko pinansin dahil baka naman nagkataon lang at wala namang masama talagang gagawin, pero nang makatanggap ako ng ganoong sulat ay hindi ko maiwasang may koneksyon iyon sa nangyari noong una.

It's a death threat, pero bakit ako bibigyan ng ganun? Tahimik ang buhay namin, ni minsan ay wala akong naging kaaway o alam na may galit sa akin!

Napagpasyahan ni Eugene na 'wag munang pumasok dahil sa mga bata, sinabi ko naman na hindi muna ako papasok pero pinilit n'ya ako kaya wala rin akong nagawa.

Hanggang makarating sa café ay sobrang lalim ng iniisip ko, nawawala lang dahil sa dami muli ng customer, at sa pagdami ng tao ay ang pagtaas ng pag-aalala ko.

Paano kung dito sumugod ang taong iyon? Pero masyadong matao sa loob ng café at siguro naman ay hindi n'ya iyon gagawin, pero hindi na rin naman ako dapat mag-isip ng ganun kung gusto n'ya talagang gawin iyon ay wala s'yang pakialam kung sino ang makakakita!

"Are you okay Bryndis?" tanong ni Betty nang makalapit sa akin. Ngumiti at tumango ako.

"O-Oo okay lang" mahina kong saad.

"Kanina ka pa balisa, masama ba ang pakiramdam mo? You can take a break, ako muna rito" mabilis akong umiling at pinakita na ayos lang ako. Pati ang trabaho ko ay naaapektuhan na dahil dito!

Ano ba naman 'yan! Tatlong linggo pa lang ako dito sa trabaho eh ganito na agad ako! Pumapalpak na agad!

Habang naghihintay ng customer ay tumunog ang cellphone ko, muntik pa akong mapapitlag dahil sa gulat.

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]Where stories live. Discover now