CHAPTER TWENTY-FOUR

441 9 0
                                    

Warning... (everyone!)









Bryndis PoV

Umaga pa lang ay maganda na agad ang mood ko, dahil paggising ko pa lang ay nakita ko na ang kambal sa loob ng kwarto namin at naglalaro roon. Sa sobrang busy nila ay hindi ata nila napansin na gising na ako. Nang kumilos ako para maupo ay mabilis na napalingon sa akin si Blair, at agad naman sumunod si Iris.

"Mommy! Good morning!" they greet me in unison, mabilis silang sumampa sa kama at pinupog ako ng mga halik nila. Malakas akong natawa at niyakap sila.

"What's with your outfit?" nagtataka kong saad, nakapanligo sila kaya naman napansin ko agad iyon.

"We're going to Mon bijou, mommy!" Iris answered, and giggled.

Kinulit nila ako na magbihis na rin ng panligo kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. Nang lumabas ako ng banyo ay wala na ang kambal sa kwarto, pati ang mga laruan nila, kaya naman natatawa akong nailing at inayos ang suot sa harap ng salamin, nang bumukas ang pinto.

At agad kong nakagat ang pang-ibabang labi nang makita si Draven, he's wearing white sando and blue shorts, may sunglasses sa ibabaw ng ulo nito.

He smiled at me, kaya di ko maiwasang mapangiti rin. Lumapit ito saka ako hinalikan ang labi ko.

"You look gorgeous, love" saka pinatakan ng halik ang noo, ilong at labi ko.

Natawa pa ako sa matagal n'yang paghalik sa labi ko, at hinabol pa nang medyo lumayo ko.

"Behave, Mr. Yates" tukso ko rito, he groaned and just nod his head.

Magkasiklop ang kamay naming bumaba, at mas gumaan ang pakiramdam ko nang makita ang pamilya ni Draven, ready na rin sa paliligo. Mabilis akong bumitaw sa kan'ya at binati ang magulang nito at mga kapatid. The kids are busy watching the food that we're going to bring.

Nang makarating sa lugar ay lumukso na naman ang puso ko, napakaganda talaga sa lugar na ito. And I'm glad that there's a place here giving peace and contentment.

May mga brasong pumulupot sa bewang ko habang tahimik kong pinagmamasdan ang paligid. The oldies are talking, samantalang ang mga bata ay lumiligo na, habang binabantay sila ni Morgan. Dave's busy with his phone. At si Amaris naman ay abala sa pag-aayos ng mga lulutuin na barbeque.

"I'm so proud of you, love. Since day" bulong ni Draven sa tenga ko at pinatakan ng halik ang panga ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay n'ya dahil sa boltaheng dulot ng halik n'ya.

"Thank you, Draven for being with me, for protecting our kids, and for loving me" mahina kong saad.

"Oh love, I told you, you don't need to thank me, right?"

Nailing na lang ako at bumitiw sa kan'yang yakap at lumapit kay Amaris para tulungan itong ayusin ang mga pagkain.

Puno ng malalakas na tawa ang lugar dahil sa mga bata, maya-maya pa ay sabay-sabay kaming napasinghap nang buhusan ng mga bata si Dave na may kausap sa kan'yang cellphone, the kids grin saka mabilis na tumakbo papuntang tubig.

Walang bakas ng inis sa reaksyon ni Dave, tumawa ito saka mabilis na naghubad ng damit, at ibnigay sa nanay n'ya ang cellphone bago lumusong sa tubig!

"I'm a monster! I'll eat the naughty kids!" mas pinalaki ni Dave ang boses habang lumulusong sa tubig dahilan para mapahiyaw ang mga bata at mapatakbo sa pwesto ni Morgan, na tawang-tawa sa nangyayari sa mga bata.

Hindi ko maiwasang matawa rin lalo na nang mahuli ni Dave ang mga bata.

Puno ng tawa ang lugar, hanggang sumapit ang tanghali. But the guy beside me looks like he's going to die because of nervousness. Halos tatlong beses nang nilalagyan ng makakapal na sunscreen ni Draven si Iris, at hindi naman nagrereklamo ang bata.

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]Where stories live. Discover now