CHAPTER THIRTY-TWO

368 9 0
                                    

Bryndis PoV

"Mom! I'm going! I'll go to Tito George after my class!" napakurap-kurap ako nang maramdaman ang paglapit ni Blair at paghalik sa pisngi ko, agad na gumuhit ang matamis ngiti sa labi ko, saka s'ya niyakap at hinalikan din sa pisngi.

"Okay, mag-iingat ka Blair! Bring the guards with you" bumakas ang pag-aalala sa boses ko, he smiled assuringly and caress my face.

"Don't worry mom, I'll take care of myself, do what you want to do here okay?" tumango ako.

"Okay! Just text me and your dad if you're going home early, I'm gonna bake cookies later!" agad na sumimangot ang lalaki na ikinatawa ko.

"You're ruining my diet mom! You know I can't help but eat your made!" tumawa ako at nailing. He's on diet now, isang taon na rin simula nang magsimula s'yang mag-gym. At minsan nababahala ako kapag napapansin ko na pumapayat s'ya.

Nawala na ang chubby cheeks n'ya, at ibang baby fats! He's becoming fit because of his new hobby!

"It's okay, cheat day?" saka ako ngumisi. He groaned.

"Mom! I just had my cheat day yesterday! You can't do that!" mukhang kahit wala pa akong cookies na nagagawa ay nai-stress na s'ya kung kakain ba s'ya o hindi.

"It's okay if you don't eat the cookies son, you can wait until your cheat day!" he sighed and nod his head.

"Where's dad, by the way?" saka inilibot ang tingin sa loob ng kwarto namin ng daddy n'ya.

"Maagang pumuntang opisina, he need to finish the last book that will be publish this month."

"Last book? Tito..." hindi pa n'ya naitutuloy ay mukhang naintindihan na ang tinutukoy ko. Tumango ito saka inayos ang kan'yang uniporme at ngumiti sa akin.

"I'm going mom, I'm pretty sure the little monster is frowning right now in the car" at sbaay kaming natawa dahil sa naging biro nito, dahil kahit ako naman ay nasisiguro kong iyon na nga ang itsura nun sa loob ng sasakyan habang hinihintay ang kuya nito.

Ilang minuto na naka-alis ang kotse saka ako nagpasyang magtungo sa kusina at magsimula sa pagbi-bake. Tuwing wala ang mga bata ay isa ito sa pinagkaka-abalahan ko, lalo na kung wala akong ginagawa sa trabaho.

Blair changed a lot, I can tell. At his age kahit ang pagkilos nito ay ibang-iba. He'll turn eighteen next month, at alam kong iyon parin ang mangyayari. He doesn't like celebrating his birthday since that incident, at kahit kami ay alam ang dahilan. If we're still hurting and can't move on, ay lalo na s'ya.

He's distant to others, mailap talaga s'ya sa tao, at madalas na kinakausap n'ya lang ay kami at mga tito at tita n'ya. He don't like to be attach, takot na takot s'ya sa attachment, at alam na rin namin ang dahilan n'ya kahit hindi n'ya sabihin pa.

Naging hobby n'ya rin ang pag-aaral ng iba't ibang klase ng self-defense, at pati na rin ang mga close combat fighting with his Tito George, kahit ang paghawak ng iba't ibang klaseng baril, at mga gamit pang depensa.

Parati akong nag-aalala kapag umuuwi s'yang may pasa dahil sa training, o may dugo sa katawan. I want him to stop his dangerous hobby, but I can't because I know, it's one of his escape from what happened ten years ago. He smiles, yes, he laughs, yes but still, his eyes have different painful emotion that cannot be erased, I know...

Nang sumapit ang tanghali ay umuwi rin s Draven galing sa kompanya, ngumiti ito sa akin saka ako hinalikan sa labi at malambing akong niyakap.

"I love you" malambing n'yang saad. Napangisi ako, parang hindi ko s'ya nakitang sumigaw sa kan'yang mga empleyado kahapon ah.

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]Where stories live. Discover now