CHAPTER TWO

859 17 0
                                    

Bryndis's PoV

Matapos kong maipusod ang buhok ay malakas akong bumuntong-hininga sa harap ng salamin. I'm wearing a formal dress right now dahil ngayon ang schedule ng job interview. And I need a job for my children, lumalaki na sila at mas marami na ang kailangan nila. Hindi rin naman simple ang tuition fee ng kambal kaya mas kailangan ko ng dobleng trabaho.

"Can we go with you mommy?" nakangusong saad ni Iris, naka-upo ito sa hita ni Eugene habang si Blair naman ay naka-upo sa tabi nito.

"No. You can't baby, it's for adults only" saka ako naupo sa tabi n'ya at inayos ang buhok nito. Ngumuso ang prinsesa ko at mas nagpacute pa!

"But it's so boring here, pangit po mga luto ni Nong Eugene" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Iris, ganun din si Eugene habang si Blair naman ay napabuntong – hininga.

"No baby, masarap naman ang luto ng ninong Eugene n'yo. Don't be picky to food, dapat maging thankful tayo dahil may pagkain tayo okay?" tumango si Iris.

"Pasalubong na lang mommy" hirit pa nito dahilan para matawa na ako.

"Okay, pasalubong for baby Iris, what about you Kuya Blair?" kumiling ang leeg nito at mukhang nag-isip pa.

"Wala na mommy, I'm okay" nangiti ako sa sinabi n'ya at tumango na lang.

I kissed them bago ako lumabas ng apartment namin.

It's hard to be a single parent, hindi lang isa ang sinusuportahan ko, dalawa sila, at gusto kong ibigay lahat ng pangangailangan nila, the best for them. At kung hindi ako magkakandakuba sa pagta-trabaho ay hindi ko sila mabibigyan ng kailangan nila.

After that night, after knowing I was pregnant. Lahat – lahat parang tumigil saglit ang mundo ko. Ang lalaking hindi ko rin naman masyadong kilala. I know he's one of the youngest self – made billionaire in history, pero hindi ko alam kung may pamilya s'ya o wala, at hindi ko alam kung kailangan ko pa ba ipakilala ang anak ko?

Hindi ko alam kung maniniwala ba s'ya.

Hindi ko alam kung matatanggap n'ya ang anak namin.

We are simple, hindi katulad n'ya na mayaman, hindi katulad n'ya kahit anong kayang bilhin. At baka hindi talaga s'ya maniwala dahil bakit bigla diba? Bakit ngayon lang?

And my children don't deserve that, they deserve to be love, deserve nilang matanggap. Kung hindi nila makikilala ang tatay nila hanggang paglaki nila, sisiguraduhin kong hindi ako magkukuklang na iparamdam sa kanila ang pagmamahal ng isang magulang, na hindi ko naramdaman sa tunay kong mga magulang.

Pabuntong – hininga akong bumaling sa mataas na building sa harap ko.

DRAZEL Publishing Company.

His company, hindi malayo sa apartment kung nasaan kami, pero malayong – malayo na magkita kami.

Matagal pa akong tumingin sa kompanya bago sumakay sa tricycle patungo sa trabahong pag a-apply-an ko.

Life must go on, hanggang mawala ang taong nagpalaki at nag-alaga sa akin ay iyon ang parati kong sinasabi, akala ko katapusan ko na, wala akong alam kung paano ko palalakihin ang mga anak ko, I'm not prepared, I don't even kow this stage, kaya habang buntis ako ay gustong – gusto ko ng lumapit sa tatay nila, pero hindi ko mahanap ang lakas ng loob ko, hindi ko alam kung paano.

Nang makapasok sa Love Café kung saan ako mag a-apply ay nakangiti akong sinalubong ng isang staff at pinapasok sa opisina. Ngumiti ako sa babaeng nakaupo sa swivel chair, she also smile.

Hindi naman mahihirap ang itinanong n'ya, she just asked my skills and mindset.

"You have your own specialty in coffee? Pwede mo bang subukan?" mabilis akong tumango at agad na itinabi ang bag ko. Nagtungo kami sa coffee maker saka ko ginawa kung paano ako gumawa ng kape.

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon