CHAPTER EIGHT

870 13 0
                                    

Bryndis PoV

Tuwang – tuwa ang kambal nang makasakay sa sasakyan ni Draven, habang ako naman ay tahimik na sumunod sa kanila.

Panay ang kwento ni Iris sa gusto n'yang mangyari ngayong araw, she really look excited for her first day of school. And I can't deny the fact that she's really cute with her school uniform and style today, umayon sa kaartehan n'ya ang bag na gamit nito kahit ang sapatos at iba pa!

While my son look so handsome and cute, seryoso itong nakaupo sa tabi ng kapatid, he look like a model of Dolce & Gabbana!

Their father spoils them too much, lalo na sa gamit ng mga ito! Kompleto na komple, even their snacks and lunch.

Nang makarating sa school ay mas natuwa pa si Iris, napangiti ako nang makita ang magiging teacher ng kambal, she's pretty and look innocent. Katabi nito ang iba pang mga bata.

"Hello Sir and Ma'am, it's nice meeting you again!" magiliw na saad ng guro bago bumaling sa mga bata.

"Hello po!" the greeted in unison. Agad na lumapit ng dalawa, hindi ko maiwasang mamangha sa kanila! They are afraid going with someone they barely know dahil sa nangyari sa kanila before, pero agad silang sumama sa guro nila?

Well, she look no harm.

"Take care of our children, everything was written about them, their allergies etc. I enrolled them here for their safety and study freely--" naputol ang pagsaalita ni Draven nang hawakan ko ito sa braso at masamang tiningnan.

He look like, he's threatening the teacher!

I look at her apologetic, but she just smile and nod her head.

"Don't worry about that Sir. I will make sure to take care my students" tumango ang lalaki saka yumukod para halikan ang dalawa, iyon din ang ginawa ko.

"Please don't hesitate to ask for a call if you're not comfortable or anything, okay?" masuyo kong saad, tumango si Blair. Matapos akong halikan ni Iris sa pisngi ay nagtungo na ito sa guro, she look like, she like her teacher huh?

"Look after your sister Blair, call if something happened. And enjoy here" seryosong tumango si Blair sa sinabi ng ama saka ngumiti.

"Yes dad, don't worry" niyakap n'ya kami bago halikan ang pisngi ko ganun din kay Draven, bago ito nagtungo sa guro.

I can't help but to get emotional, they look so ready with their new chapter of life, pero ako namimiss ko yung pagiging baby nila, when they always need me. Ngayon, they will know more, learn more.

They will grow with their own learnings and pain, and I'm not ready for that, hindi ko kaya silang masaktan but I know, mas matututo sila kapag nasaktan at nadapa sila. Mas magiging matapang sila sa buhay. And I'm not ready for that.

"Let's go?" saad ni Draven nang hindi na namin matanaw ang mga bata. I sniffed and sigh.

Tumango ako saka naunang maglakad, pinagbuksan nito ako ng pinto, at tahimik parin akong pumasok. The long drive was so silent, madami akong iniisip lalo na sa nangyari sa amin, at sa mga bata.

"We're here" mahinang saad ni Draven, napakurap – kurap ako at doon ko napansin na nasa tapat na kami ng café.

"Thank you" bubuksan ko na sana ang pinto nang hawakan nito ang braso.

"You have problem, what is it?" tanong nito, hinuhuli ang tingin ko pero yumuko lang ako.

"Wala"

"You're silent, is it about the kids? Gusto mo bang homeschooled sila?" mabilis akong umiling.

I don't want them to be homeschooled kahit na ayaw kong mawalay sila ng matagal sa akin. They need to experience life and reality, alam kong mai-spoiled ng lalaking 'to ang dalawa kaya mas mabuting kahit paano may exposure sila sa reality ng mundo, na hindi lang palagi nila makukuha ang lahat.

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن