CHAPTER NINETEEN

633 13 0
                                    

Bryndis PoV

Tahimik akong nakatingin sa papel na hawak ko ngayon.

Application for enrollment.

Napabuntong-hininga ako nang may matigas na brasong pumulupot sa akin.

"Where's the kids?" mahina kong tanong. Isiniksik nito ang mukha sa leeg ko bago sa mukha.

"Nasa recreational room nila, playing. You're going to enroll now?" dahil sa huling tanong n'ya ay napabuntong-hininga ulit ako.

"pag-homeschool kaya natin ang kambal na lang, Draven" at muling sumikip ang dibdib ko sa naalala.

He hushed me and kiss my neck, pero hindi iyon nakatulong sa pagkalma ko, sa nararamdaman ko.

"They will be safe, pina-igting ko na ang security ng school,love. But if you're really worried, we need to talk to the twins, we need to listen to their opinion too" naiintindihan ko naman na hindi rin gusto ni Draven na mag-homeschool ang kambal, pero dahil sa pagiging praning ko ay napipilitan s'ya.

After that day, nang mabasa ko ang sulat na nakita sa suit nito ay praning na praning ako. Para akong mababaliw dahil damay na ang bata sa death threat na natanggap ni Draven.

Matagal akong umiyak at napagdesisyunan na tumabi sa kambal. And we decided na palipatin ang mga bata sa kwarto muna namin, dahil para akong mababaliw kapag wala sila sa tabi ko. Bumalik lang sila sa kwarto nila nang maging maayos ang lahat, mas mapahigpit ni Draven ang security.

Humingi na s'ya ng mga magagaling na body guards sa kaibigan n'yang si Jordan, kaya naman kumalma ako. Pero tuwing papasok ang kambal sa eskwelahan ay grabe talaga ang pag-aalala ko, kaya naman napilitan kaming dalawa ni Draven na kuhanin ang pinsan ni Jordan na mismong magbantay sa kambal.

Wala akong tiwala sa hindi ko kilala, at least Cloudeth has highest rank to their group.

"I know you're worried to the twins, love. Ganun din ako. But trust my men, trust my family, and trust me. Hinding-hindi ko hahayaan na may mangyari sa kambal, not on my watch" tumango ako, saka s'ya niyakap ng mahigpit.

Kahit papaano ay nawala ang kabang nararamdaman ko.

Paano kung ako lang talaga mag-isa? Na hindi ako nakinig kay Eugene? Paano ko sila pro-protektahan? Dahil hindi ko sigurado kung paano sila mabibigyan ng magbabantay.

Paano kung nangyari ito noong hindi ko pa napagdesisyunan na lumapit kay Draven?

Sulat pa lang ang nabasa ko tungkol sa may mga balak gawing masama sa pamilya ko ay mababaliw na ako, paano pa kung mangyari na mismo?

Ayaw kong maulit ang mga nangyari noon sa kambal.

"He's here" napakurap-kurap ako nang magsalita si Draven, bumaling ako sa kan'ya at maya-maya ay sa pagbukas ng pinto at pagpasok ng isang lalaki.

He's wearing black t-shirt and pants, nakasuot ito ng leather boots habang may hawak na brown envelope. Maganda ang tindig nito habang naglalakad, at nang magtama ang paningin namin ay tila tumindig ang mga balahibo sa katawan ko dahil sa talas ng tingin nito., blangko pero napakalalim n'ya tumingin.

"George Daniel Tabia" malalim at seryoso ang boses nito saka inabot ang kamay sa akin, nakangiti ko itong tinanggap.

"Bryndis" tumango ito at mabilis din binitawan ang kamay ko saka bumaling sa lalak. He nod his head.

"Mr. Yates" bati nito, tumango naman si Draven at bumaling sa'kin, alam ko na agad ang tinutukoy nito.

"I'll talk to him, go to the kids" kahit na gusto kong marinig ang pag-uusapan nila dahil nasisiguro kong tungkol ito sa nangyayari ngayon, pero baka kapag narinig ko ang mga ire-report nito ay mas lalo lang akong mawindang.

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]Where stories live. Discover now