CHAPTER TWENTY-NINE

350 6 0
                                    

Bryndis PoV

Balik na naman sa kinagawian ako, matapos ang meeting na nangyari kahapon ay hinayaan ako ni Draven na magpahinga. Sinabi n'ya rin na siya muna ang magbabantay kay Blair, dahil malakas ang kutob nila sa mga naiisip na baka nga wala si Iris sa mga Deloserios.

Nakatingin lamang ako sa kawalan saka bumuntong-hininga. Kung wala si Iris sa kanila, ay nasaan s'ya? Anong nangyari sa kan'ya? Tanging si Blair lang ang makakasagot ng mga katanungan namin, pero hanggang ngayon naman ay ganun pa rin s'ya. Pero mas mabuti ngayon dahil hindi na s'ya nagpa-panic kapag may tao sa kwarto n'ya.

Wala na akong maisip na gagawin kaya lumabas na lamang ako para kumuha ng rambutan sa kusina at nang makakuha ay pumunta na ako sa kwarto ni Blair. I saw Draven playing word puzzle, habang si Blair naman ay nakaupo sa kama at nakatingin sa labas.

Nang maramdaman ni Draven ang pagpasok ko sa kwarto ay agad itong nagtapon ng tingin at matamis na ngumiti sa akin. Sinalubong n'ya ako ng halik sa noo.

"How are you? Did you sleep well?" mahina nitong saad, ngumiti ako at tumango. Dahil kahit papaano naman nare-relax ako.

"Do you want your milk now?" muntik na akong matawa sa sinabi n'ya. Para naman akong bata kung tanungin n'ya!

Pabiro kong pinisil ang ilong nito saka ipinatong ang bowl sa lamesa.

"I'm fine, mamaya na lang siguro" tumango ang lalaki saka ako inalalayan paupo. Parehas naming pinagmasdan si Blair. Mabibigat ang pagbuntong-hininga nito, pero ngayon ay mas kalmado na siya hindi katulad nitong mga nakaraang araw.

Nagpaalam muna si Draven na may gagawin lang s'ya sa opisina kaya naiwan muli ako rito sa kwarto. Nakatingin lamang ako sa bata, takot na baka kapag kumurap ako ay mawala s'ya bigla.

Habang kumakain ng rambutan ay naglagay rin ako ng para sa kan'ya. I want to share the fruits I am craving pero nahihirapan akong i-approach s'ya, kaya naman mag-iiwan na lamang ako ng mga pagkain para sa kan'ya.

Nang dumating ang doctor at therapist ni Blair ay lumabas na rin ako ng kwarto para hayaan sila.

Habang papunta sa kwarto ay nakita ko na tila aalis si Draven.

"Where are you going?" taka kong tanong, nagulat pa itong bumaling sa akin at ngumiti.

"Love, diba nabanggit ko na papunta ako sa opisina, can I go there?" parang may mainit na kamay ang humawak sa puso ko. He's very considerate, he really ask my opinion.

"Of course, you rest well yesterday, at hindi na matatakot ang mga empleyado mo" biro ko pa, pabiro rin itong umirap saka pinatakan ng halik ang labi at pisngi.

"Mabilis lang ito, I will miss you if I take too much time"

"Bring your bodyguards" nag-aalala kong paalala, he smiled at me assuringly saka muli akong hinalikan at tumango.

"Don't worry, love. No one can harm us now, lalo na at mahigpit na ang security, and the Deloserios are in the prime suspect" tumango ako, kahit papaano naman ay nakampante sa sinabi n'ya.

Nang umalis s'ya ay pumunta muna ako sa kusina para magluto. I want to bake cookies, ayaw man nila Nay Norma ay wala silang nagawa kung hindi hayaan ako, pero tinutulungan nila ako pag-bibake.

Nang maluto ay mabilis talaga akong natulog, kaya kahit na gusto ko pang pumunta sa kwarto ni Blair ay wala akong magawa kung hindi ang magtungo na lang sa kwarto namin at matulog. I'll check him kapag nagising ako.

Four p.m na nang magising muli ako, agad akong nagtungo sa kwarto ni Blair na nakita ko s'yang nakahiga at mahimbing na natutulog, napangiti ako nang makitang yakap nito ang favorite n'yang stuffed toy.

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]Where stories live. Discover now