CHAPTER FIVE

845 17 0
                                    

Bryndis PoV

Hawak – hawak ang kamay ng kambal, madaling – araw pa lang at nararamdaman ko ang antok nila pero kailangan kong gawin ito, to make them safe.

After seven years...

Sa isang sikat na village kami tumigil, natatakot pa akong hindi papasukin, binanggit ko na ang pangalan ko para lamang mapapasok ako. Kilala n'ya ako kaya nasisiguro kong makakapasok ako, at ilang minuto pa nga lang ay pinayagan na kami.

"Mommy, I'm tired, lilipat po ba tayo ng house? How about Tito Eugene?" Iris asked while yawning, nakasuot sila ng jacke at sumbrero, ganun din ako.

"Kung papayag ang tatay ng anak mo na makapunta ako sa bahay n'ya ay pupunta ako at ipapaliwanag sa'yo ang mga nangyari" seryoso nitong saad bago kami umalis sa bahay nila. After his recovery, his parents decided na sa bahay muna nila s'ya.

"P-Paano kung hindi kami tanggapin?" pangamba ko.

"Then I'll punch him to death Bryndis, text me the address at pupuntahan kita para sabihin ang lahat ng nangyari."

Ilang pirasong damit ang dala ko at lahat ng importanteng dokumento namin bago kami umalis. Kung hindi kami inaalalayan ng guard ay baka naligaw na kami sa village na ito.

"Ito po ang bahay Ma'am" saad nito saka itinuro ang kulay itim na mataas na gate, at kitang – kita rin ang tatlong palapag nitong bahay na malaki!

"M-Mommy? It's our new house?! I thought wala kang money?" namamanghang saad ni Iris, wala na ang antok na kanina pa n'yang reklamo.

No anak, it's your father's house.

Biglang nagbukas ang gate dahilan para mapapitlag ang dalawang anak ko, at sumalubong ang sobrang gandang bahay. Sabay – sabay pa kaming napanganga!

"D-Draven" mahina kong saad habang nakatingin sa lalaking nasa bungad ng pinto, nakasuot ito ng kulay brown na sweat pants at itim na v – neck shirt, seryoso ang mata nito at mas natigilan ako nang maalala ang mga bata sa tabi ko.

Sabay – sabay pa kaming napaatras nang mabilis na tumakbo ang lalaki palapit sa amin.

"Mommy" natatakot na saad ni Iris saka nagpunta sa likod ko, habang si Blair ay nasa tabi ko lang habang mahigpit ang kapit sa aking kamay.

"W-What... you are here" he stated. Blangko ang ekspresyon nito saka bumiling ang batang lalaki sa tabi ko at pasimpleng sinilip ang anak kong babae sa likod.

"D-Draven..." mahina kong saad, hindi ko na alam kung narinig n'ya ba iyon! O magtataka s'ya na kilala ko s'ya!

Pero halos mapa-atras ako nang mabilis itong lumuhod sa tapat ni Blair, at napasinghap ako nang titigan n'ya ito.

"My children" he said with longingness, mas napasinghap ako dahil sa sinabi nito. There's no question! Siguradong – sigurado s'ya!

"J-Jesus" namamangha nitong saad habang nakaharap sa anak na lalaki.

My son look at me, he's confuse but in his eyes, he has lot of conclusion, nang tumango ako ay mabilis itong humikbi at niyakap ang lalaki sa harap n'ya.

"D-Daddy!" emosyonal na saad ng anak kong lalaki. Na tila ba hindi rin makapaniwala.

Because after seven years, after their questions about their dad, ngayon nasa harapan na nila. Breathing and alive!

My son always a big boy, sinusubukan n'yang hindi umiyak, ayaw n'yang maging mukhang mahina s'ya, but his dad make him show his vulnerabilty.

How his tears showed there's longingness and pain.

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]Where stories live. Discover now