🌼 Chapter: 6

350 10 0
                                    

"Pucha, 'Yung aso mo naman Allie!" Inis ako napakamot sa ulo nang makita ang iniwang dumi sa tapat ng tindahan namin. "Dumadayo pa dito para tumae!" I complained, habang kumukuha ng walis at dustpan.


Agad lumabas ang amo ng aso, naka pameywang. "Matilda, come here!"  She called her dog, which immediately came to her and brought  inside the house. "Hayaan mo nalang diyan. Ipadakot ko kay Jojo." Aniya nang lumabas ulit siya.


Kumunot ang noo ko. "E' mamaya pa uuwi 'yon!" Sigaw ko. Magkatapat ang bahay namin kaya normal lang kung ganito kami mag-usap.


Bakit hindi siya ang mag dakot? Tutal puro lang siya cellphone sa loob ng bahay nila. I-intayin pa talaga niya makauwi ang kapatid bago madakot 'tong dumi ng aso niya. Paano kung may bumili sa amin tapos maapakan ang dumi ng aso niya?! Nakaka perwisyo!


"E' di ikaw mag dakot!" She said it loudly, napasulyap tuloy ang ilang kapit bahay namin nagwawalis sa tapat ng sariling bahay.


Napasinghap ako at agad siya dinuro-duro. "Hoy! Babaeng hampas lupa na ugaling spoiled brat, wag mo ako ma utos-utusan, hindi mo ako kauri mong hayop na mapapasunod." Lumapit ako sa bahay nila, may dalang walis na dapat ipangdadakot sa dumi ng aso niya.


Bumaba si Allie, nakataas ang kilay. "Ano sabi mo, ha?!" She walked closer to me until we both faced each other.


Napansin ko ang ilang kapit bahay namin na pakunwari nag wawalis sa bahay na hindi naman kanila para lang makichismis sa pinag-uusapan namin ni Allie.


"Ayoko ulitin, mahal ang boses ko. Kaya manigas ka!" Inirapan ko siya at balak na sana umalis.


"Narinig ko 'yon, tang–"


"Bobo mo talaga!" I cut her off. "Sa susunod, mag dakot ka nalang ng tae." I rolled my eyes.


Napahawak ito sa dibdib at hindi naiwasan mapaawang ang labi niya. "Ang kapal ng mukha mong sabihan ako ng gani–"


"Mas makapal ang libag mo, sis." I pouted. "Wash, wash muna bago mag cellphone." Sabi ko pa sabay siya ningitian.


Hindi na siya nakatiis, hinila na bigla ang buhok ko. Syempre hindi ako nag patalo, I also pulled her hair. Nagsisimula na umawat ang ilang kapitbahay namin pero walang parin bumitaw sa aming dalawa.


Ever since I moved here, napapansin ko ang kasamaan ng ugali ni Allie sa tuwing mag kausap kami. Sinusungitan ako kahit wala naman ginagawang masama sakaniya. Samantala sa mga lalaki halos maging anghel sa sobrang bait.


"Ano ba problema mo, ha?!" Inis na bulyaw ko nang maalis ko ang kamay niya sa aking buhok. "Pinapadakot lang kita ng tae!"


"Sinabi ko na diba sa'yo na si Jojo na ang mag dadakot, hindi kaba makapag intay?" Sagot niya, her hand reaching my hair again. "Bakit hindi nalang ikaw mag dakot?!"


Muli nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. "At talagang ak–"


"Creselia!"


Sabay kami napatingin kay Clark, bigla sumulpot at naglakad papunta sa pwesto ko. He pulled me away from Allie.


Clark frowned as he fixed my messy hair.


"Clarky!!" Lumapit si Allie, umiiyak.


Tinulak niya ako kaya nabitawan ako ni Clark para siya ang pumalit sa pwesto ko kanina. "Si Phyn ang nauna! Pinagsalitaan niya ako ng masama!" Kumapit siya sa t-shirt ni Clark, nag papa-awa.


When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Where stories live. Discover now