🌼Chapter: 11

295 8 0
                                    

"Ikaw ba 'yung kaibigan ni Perez?" Humarang ang dalawang babae sa dinadaanan ko. "Ikaw 'yung Creselia, 'diba?" Tanong pa ulit nung kasama niyang malapit na maging Nike ang kilay.



Napabuga ako sa hangin at nilukot na ang balat ng monde ko. Panigurado, naka-away na naman 'to ni Alyssa. Lagi nalang ako nadadamay sa babae na 'yon!



I was about to go to our classroom but it seemed like I smelled something bad that was going to happen. Haysssss, another kamalasan. Ang aga-aga naman!



"Huh? Sino 'yon?" Mas lalo ko pinakunot ang aking noo sabay kamot pa sa ulo para kapani-kapaniwala.



"Hindi mo kilala?" Nagkatinginan sila pagkatapos tanungin 'yon sa akin. "Sabi ng isa naming kasama, ikaw ang laging back up ni Alyssa."



I faked a laugh and was about to answer, but a woman choked me with her arm, halos hindi na nga ako makahinga.



Sinubukan ko lingunin...



Pucha, si Alyssa!!



"Yow! Kanina pa kita hinahanap!" She said laughing but the smile on her lips immediately disappeared nang makita ang kausap ko ngayon. "Tanginers! Mga tartar girls!" Gulat na sabi niya sabay turo sa dalawa.



They look at us alternately. Mga ilang segundo na ganoon ang ginagawa ng dalawa. Hanggang sa matauhan sila.



"I thought you didn't know Alyssa?!" Galit na sabi nung bongga ang kilay. "Pero.. ano 'tong nakikita namin?" Nakapatong ang isang kamay niya sa bewang.



Sinubukan ko sikuhin si Alyssa para iparating ang sitwasyon ko ngayon, pero imbis na makaintindi ay mas lalo pa inasar ang dalawa.



"Hindi lang pala kayo mga mahihina, uto-uto rin pala." Pang-aasar ni Alyssa, lumapit ito kaso agad umatras ang dalawa. They try to be brave but the fear is still obvious in their eyes.



"H-How dare you?"



"Ano problema niyo mga bansot?" Bored na tanong ni Alyssa. "Pinagbigyan ko na kayo noong isang araw, pati ba naman ngayon?!" Pinalagutok niya ang mga daliri sabay unat ng katawan.



"Nasa critical ngayon ang isang kaibigan namin, kung hindi ka mag bibigay ng pera..." Saglit natigilan si long nails, sabay ngumisi. "Handa mo na ang higaan mo sa selda." Pahabol niya.



I held my mouth and my face was full of shock. I couldn't help but feel nervous dahil nandoon ako noong nakikipag away si Alyssa. Tangina, tumulong pa ako doon!



Tinignan ko ang reaction ni Alyssa, nakasimangot at mukhang walang pakialam. "Talaga?" Natatawang tanong niya. "E' sino ang nakita ko kahapon? 'Yung kumakain ng fishball? Kasama niyo pa nga e."



Namutla ang dalawang babae, they looked at each other and seemed to be talking by looking at each other.



"P-Pinagsasabi mo?!" She asked Alyssa bravely.



"Nag fishball kayo tapos hindi manlang kayo nag-aya?!" Naiiling na saad nito habang nakaturo sa dalawa.



"Nyayy, mga ugali, ah." Pakikisali ko habang nakangisi sakanila.



Inirapan kami ni Ms. Long nails and Ms. Nike bago tuluyan umalis sa harapan namin. Tinanggap na ata ang kanilang pagkatalo ngayong araw.



"Nice try, mga bugok!" Sigaw ni Alyssa habang naglalakad paalis ang dalawa. "Sa susunod, 'wag niyo ayain kumain ang nainjured niyong kaibigan. Mga bobo!" She added.



When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Where stories live. Discover now