🌼Chapter: 22

259 7 0
                                    

"Count one to five; start with you." Turo ni Ma'am sa estudyante nasa unahang row.

I immediately held my hands together while they started to count. Sana naman maganda ka group ko ngayon sa research. Ayoko mapunta sa pabigat na group. Hindi ko kakayanin mag buhat, bobo rin kasi ako.

"Three," si Clark. Napabitaw tuloy ako sa kamay ko. Ako na kasi ang sunod.

"Four," bilang ko.

Sinundan ko ng tingin ang mga kaklase kong isinisigaw ang group number nila.

"Yes!" I whispered. Ka group ko kasi si Sunny, matalino 'yang babaita na 'yan kaso malas rin, mukhang mainit pa ang dugo niyan sa akin, simula nung may nangyaring issue about kila Kevin at Alyssa.

"Four, Ma'am! Four po!" Tinuro pa ni Carl ang sarili. Lumingon pa ito sa likod niya at kinindatan si Sunny. "Haha! Four ako!" Saad nito, akala ko nga tatarayan siya ni Sunny pero tipid lang ito ngumiti.

"Good luck," Alyssa mouthed, looking at me. Napasimangot ako at iniwas nalang ang tingin sakaniya.

"Hoy, Josh! Ikaw na!" Hinampas siya ni Alyssa.

Josh lost his gaze outside the window and glared at Alyssa. "Saan?" Lutang na tanong nito.

"You're next," mabilis na sagot ni Ma'am.

Nilingon niya si Alyssa. "Ano number mo?" Kunot na tanong niya.

"Five." Inirapan siya nito.

Humarap si Josh kay Ma'am. "Six po."

Some of our classmates facepalmed and the others seemed to have no reaction, sanay na sa pagiging lutang ni Josh.

"Number one ka." pag correct ni Ma'am.

"Ayan, kabobohan!" Muli siya nabatukan ni Alyssa.

Nawala ang tingin ni Josh kay Ma'am at napunta ito kay Alyssa. "Ikalma mo 'yang yagbols mo."

Nagets naman agad nito ang sinabi ni Josh kaya dali-dali niya sinakal gamit ang braso. Bigla tuloy namutla, nawawalan na siguro ng hininga.

"Pukelya ang meron ako, walang akong yagbols!" Her teeth gritted as she choked him. Nanggigil na siya.

"Alyssa, Stop it." Saway ni Ma'am. Pigil inis ito na tumigil habang nanlilisik parin ang tingin.

"Hindi na naman nakainom ng gamot 'yang kaibigan mo." Mahinang saad ni Clark sa gilid kasabay nun ang mahinang tawa nito.

"Pati rin naman 'yang kaibigan mo." Tukoy ko kay Josh.

Clark laughed softly before looking away from me. Matapos ang bilangan ay pinapunta kami sa mga ka group namin. Ngiting ngiti si Carl habang naglalakad ako palapit sakanila.

"I will create gc later," si Sunny. Hindi pa nga ako nakakaupo bigla na agad nagsalita. "And please, always check your phone. I will update you all." Dagdag niya.

"Sigeww pow!" Sagot ni Carl gamit ang ibang boses.

Balak pa sana nito dugtungan ang sasabihin niya nang biglang isingit ni Shane ang upuan sa pagitan namin. Nawala tuloy ang sasabihin niya.

"Aray!" Daing ni Carl, katabi ko ito kanina kung hindi lang sumingit si Shane. "Wag mo ako tinataasan ng kilay diyan, hindi mo ako pinapakain!" Taas baba niya tinignan ang babaeng tinarayan siya.

"Alam mo naman kasing ilalagay ko ang upuan sa tabi niyo, hindi ka marunong tumabi." Inirapan niya ito. Kumuha siya ng tissue na palagi niyang dala at ipinunas sa leeg niya.

When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora