🌼Chapter: 12

292 8 0
                                    

"'Yong aso mo kanina pa nakasimangot, anong buto ba pinakain mo diyan?" Kinalbit ako ni Alyssa while pointing to Clark who had been frowning in his seat.

Tumagal ang aking tingin sa lalaking halos na humaba ang nguso. Kanina pa siya ganiyan ang itsura, maski ako naguguluhan rin.

"Kulang sa turok ng anti-rabies." Kinuha ko ang libro sa ibabaw ng lamesa at binasa ang mga notes na nakasulat doon.

"Sus," napasipol ito kaya kunot noo ako tumingin sa kaniya. "Nireject mo siguro?" She shook her head and laughed before placing both hands behind her head.

Napasimangot ako bigla. Halos mapangiwi nga ako sa sinabi niya. Matagal na kasi napapansin ni Alyssa na parang may pag tingin si Clark. Ang hindi niya alam, mag ex talaga kami nun.

"I've been doing that for a long time." I rolled my eyes. Duh! Kahit magkita kami sa next life wala siyang makukuhang sagot sa'kin. Mura lang kaya ko ibigay sakaniya.

Mas lalo lumawak ang ngisi niya. "Paano kung maging kuto siya?" Walang kwentang tanong niya.

"Ipapakain ko sa'yo." Mabilis na sagot ko. Agad siyang napasimangot at inirapan lamang ako.

I secretly laughed. Baka pag nakita ni Alyssa ay bigla manakit. Ang hilig pa naman niyang mang-away. Sinulyapan ko saglit si Clark. Nakatutok ngayon sa phone pero hindi parin mawawala ang kunot sa noo niya.

Ano kaya problema ng lalaki na 'to? Mga ilang araw na siyang ganiyan. Pero... mabuti narin 'yon kesa ako ang guluhin niya.

Mabilis ko inalog ang aking ulo para makapag focus sa binabasa kong notes. Why am I thinking about him? I shouldn't care. Psh! Nakakasira siya ng braincells.

"Pst, pst." Natauhan ako bigla nang maupo si Carl sa harap ng upuan namin ni Alyssa. Maski ito napatingin kay Carl.

"Wala kaming piso." Kaagad na sabat ni Alyssa.

The smile on Carl's lips disappeared nang marinig 'yon. "Spell bobo?" Inis na tanong niya rito.

"C.A.R.L" i-spell ni Alyssa, nakangisi pa ang gaga.

Mas lalo lumabas ang pagkairita sa mukha ni Carl habang sinasabi isa-isa ang letter sa pangalan niya. "'Yon ba? Akala ko, I.K.A.W." pagkatapos nun ay tumawa ito nang malakas habang nakaturo sa badtrip na mukha ni Alyssa.

"Tumahimik nga kayo!" Saway ko sa dalawa na parang mag ka-kasakitan na. "Doon kayo sa labas kung mag su-suntukan kayo." Dagdag ko.

"Ano? Tara sa labas?" Yaya ni Alyssa.

"Anong labas? Suntukin mo mukha mo, gago!" Umirap ito bago ibaling sa akin ang tingin. "Tambay ako sainyo mamaya, ah." Sabi nito nang magtama ang tingin namin.

Tumaas ang kilay ko. "Bawal."

"Kita nalang tayo mamaya, ah!" He stood up, smiling teasingly.

"Blink if you need my help." Alyssa whispered when Carl left.

Napaismid ako at hindi nalang umimik. Baka pag sinagot ko pa ay lalo na masira ang araw ko ngayon.

Habang wala pang teacher ay sinamahan ako ni Alyssa sa restroom. Bigla kasi ako tinawag ng kalikasan. Umihi lang ako baka isipin niyo nag pasabog ako rito.

"Omg! Sorry, hindi ko sinasadya!" Napatingin ako sa aking sapatos na naapakan niya. Nagsasalamin lang ako nang bigla siya na out of balance kaya naapakan niya ang sapatos ko.

When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Where stories live. Discover now