🌼Chapter: 7

314 6 0
                                    

"Kamusta siya?" Saglit ako natigilan sa paglalakad pero agad rin nag patuloy. "I heard that she was not in a good mood." Pahabol niya.

Kakaalis lang namin sa bahay nila Carl, pahapon na kaya naisipan ko na umuwi. Kasamaang palad, kasama ko parin si Clark hanggang ngayon.

Tumingin ako sa dinadaanan namin, napabuntong hininga."Broken e'," I chuckled.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang luhang inilabas ni Ate habang binabanggit na mahal niya ang lalaki na walang tigil pasakitin ang puso niya. Ramdam ko 'yon noon, sobrang hirap mapunta sa ganoong sitwasyon.

Pansin ko ang pag nakaw ng tingin ni Clark bago ibaling sa harapan namin. "May nangyari ba?" There was concern in his tone.

"Siguro nagsasawa na 'yung boyfriend niya kaya gusto na makipag hiwalay." Walang prenong sagot ko. "Well, sa panahon ngayon... Sino ba nag iistay?" I laughed bitterly. Hindi ko maiwasan maalala na ganoon din siya kaya napili akong hiwalayan.

Pansin ko ang pananahimik niya, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya maituloy. Panay kasi ang pag bawi ng tingin sa akin. Kung ano man 'yon, wala na akong pakealam.

"M-May rason naman s–"

Napahagalpak ako na ikinatigil niya. "Rason? Anong rason? Para makahanap ng bago kasi nag sawa na siya sa isa?" Muli ako natawa.
"'Yon ang dahilan kung bakit ka nakipaghiwalay, diba?" I asked bluntly that his eyes widened.

"No!" Mabilis na sagot niya. "Hindi ako nakipag hiwalay sa'yo para palitan ka." His face was serious as he told me. "We were separated for nine months before she came–"

"Shut up!" I turned my back on him and started walking. I don't have time to listen to him.

Bumabalik lang ang ala-ala ko noong panahon nalaman kong mabilis ako napalitan sa puso niya.

"I block mo na kasi!" Malakas ako hinampas ni Jamaica sa braso. "Ikaw rin mahihirapan. Ako nga nakablock na 'yung ex ko." Sumandal siya sa upuan.

"Oo nga naman, hayaan mo na kasi 'yan. Tingnan mo may bago na nga e." Turo ni Daisy sa myday ni Clark.

Ibang acc ang gamit kong pang-istalk sa myday ni Clark. Nakita kong may babaeng nakalagay sa myday niya. Mga picture ng isang magandang babae.

Felicia.

Mapait ako ngumiti nang makita ang babaeng naka mention. Talagang napalitan na ako, samantala ako, siya parin. Hindi pa ako heal pero siya mukhang masaya sa buhay. Masaya na sa piling ng iba.

"Aguy, naka mention pa, oh!" Tumawa si Jamaica. "11 months left the group." Pang-aasar niya.

Imbis na magalit ay naiyak nalang ako. Panay ang pagtatahan ni Daisy samantala sa kabila naman ay panay ang tawa. Sinasaway na siya pero tumatawa parin.

"Tahan na, masakit talaga pag tinago ng 11 months." Jamaica patted my shoulder, I could still hear her laugh.

If I wasn't broken, baka nasikmuraan na siya.

"G-Gusto ko na makalimot." I cried. "Pero hanggang ngayon, siya parin." Napapikit ako nang mariin, humigpit ang hawak ko sa t-shirt ni Daisy.

Nawala ang ngisi ni Jamaica and she looked at Daisy with pity on her face as she watched me.

"H-Hindi ko manlang naranasan sakaniya na ipagmalaki ako. Tinago niya lang ako." May hinanakit na saad ko.

"Sa true! Akala ko ba gusto niya lang ng lowkey? Bakit may pag myday sa Facebook?!" Napairap si Daisy sa kawalan.

"Isa lang ibig sabihin niyan," sabay kami napatingin kay Jamaica. "Mas mahal niya itong bago."

When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon