🌼 Chapter: 8

323 4 0
                                    

"Kainan na!" Sigaw ko nang matapos kami mag picturan.

"Isa pa, baka blurd." Napahinto ako sa pagsandok ng kanin, bigla kasi nagsalita ang Lola ko.

I frowned and went back to my relative and smiled again. Ang tagal matapos gusto ko na kumain. Kanina pa kaya ako nagugutom.

Birthday ni Lolo Juan ngayon, pinaghandaan siya ni Mami(Lola ko) kahit nasa heaven na. Grabe ang pag mamahalan nilang dalawa. Hanggang ngayon nanatiling nasa puso parin ito ni Mami. Hindi na siya nag asawa simula kuhanin ni Lord ang The one niya.

Kaya ngayon kompleto ang kamag anak namin para maki celebrate. Mag kalapit lang ang bahay namin kila Mami kaya umaga palang nandito na ako para makitulong sa lutuin. Gutom na nga ako, tagal matapos mag picturan.

"1,2,3. Say mamon cheese!" Jazen shouted holding the phone, with the front camera on.

Pinilit pa namin mag kasya sa picture. Wala kasi kukuha kundi kami lang. Syempre kailangan kompleto rin pag kinuhanan ng litrato.

"Pakibilisan, gutom na kami!" Sigaw ni Kuya Jr, pinsan namin sa mother side. Halos lahat nandito puro kapatid ng mother side ko.

"Sige, Jaz. Tagalan mo pa, baka gusto mo hanggang hapon dito." Napakamot na ako sa ulo. Ang tagal kasi.

"My hand is shaking," Tukoy nito sa kamay niyang nakataas.

"Matagal paba 'yan?" Halos mawala na ang ngiti ni Tita Angel habang nakatingin sa camera, nangangalay na ang labi.

"Pakibilisan daw! Lumalamig na ang pata." Parinig ni Tito Jason, tumawa pa nang malakas. Nahawahan si Jazen kaya nakitawa narin ito.

"Dalian na!" Naiinip na utos ni Mami kaya mabilis nag picture si Jazen. Hindi na tinignan kung blurd sa sobrang gutom.

Matapos mag picturan, kumuha kami ng kaniya-kaniyang plato. Parang may dumaan na anghel sa sobrang tahimik habang kumakain. May nag-aagawan pa sa taba ng baboy, high blood sila pagkatapos niyan.

"Walang bibili ng pineapple juice, ah!" Nag tawanan ang lahat nang mag salita si Tito Jeffrey.

"Minsan lang naman e'." Rinig ko pang saad ng tita ko sa gilid.

Matapos nun, tumahimik na ulit. They are busy eating, especially me. I'm really the quietest among them. Napansin 'yon ng mga tita at tito ko, na shout out tuloy ako.

"Ilan taon kana ulit, Phyn?" Tanong ni Tita

"Mag eighteen na po," I replied to her.

"Wala kapa boyfriend?" Muling tanong niya. Natigilan tuloy ako, bigla pumasok sa isip ko si Clark. Mabuti nalang talaga hindi nila alam na pumasok ako sa isang relasyon.

"Wala po," mabilis na sagot ko.

"Aysus? Maniwala?" There is teasing in her smile.

Natawa ako. "Wala po talaga, wala pa sa isip ko 'yan."

Tumango tango ang tita ko. "Maganda 'yan. Mahirap mag boyfriend, masakit sa ulo 'yan."

Ngumiti lamang ako. Tama siya, masakit sa ulo ang pag jo-jowa. Hindi mo pa sure kung kayo talaga sa huli. Pinagsisihan ko talaga na pumasok pa ako sa relationship noon.

"Pero, dapat sa ganiyang edad niya ma- experience niya mag ka jowa," sabat ni Tita Angel. "Baka kung kailan matanda na hindi niya alam kung paano pumasok sa relasyon."

Don't worry Tita Angel, may experience na ako sa ganiyan. Hindi niyo lang alam.

"Nako, mag aral muna. Mag tapos ka sa pag-aaral bago mag boyfriend." Pakikisali ni Mami. "Pag graduate kana, nakapila na 'yang mga lalaki sa 'yo."

When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Where stories live. Discover now