🌼Chapter: 34

260 3 0
                                    

"Kayo na pinili namin kahit wala kaming choice." Hindi pa nakakaupo ang tatlo sinabihan na agad sila. "After natin masubukan ang mga equipment, naka–"



"Narinig namin sinabi ni Ma'am. Ang sabi niya tayong mga group one ang maglilinis sa restroom ng boys." Si Clark.



Umikot ang mata ni Alyssa. "Whatever. Inulit ko lang para sa mga hindi nakinig." Sabay tingin niya kay Josh.



"Nakinig ako, ah!" Sinamaan siya ng tingin.



"Kung nakinig ka, ano mga gagamitin nating panlinis sa cr?" Nilabanan niya ito ng tingin.



Saglit natigilan si Josh. "Ang naalala ko lang 'yung tinuro tayo ni Ma'am para mag linis doon!"



"Bobo ka talaga!" Binatukan siya ni Alyssa.



"Nyay, gawain ba ng mga leaders 'yan, Alyssa? Sumbong ka namin kay Ma'am, ang harsh sa ka group!" Pakikisali ni Clark.



Time namin ngayon sa Fundamentals Lodging in Operation. Nasa topic palang kami ng about sa housekeeping. Kung ano gagamitin ang equipments para sa paglilinis. Nagawa namin last week 'yong pa experience ng pag gamit ng equipment then ngayon, discussion muna tapos proceed na kami next week sa paglilinis kaya pinapunta kami sa ka group para pag-usapan kung ano gagamitin naming panlinis.



"Ano mga gagamitin natin?" Nilingon ako ni Alyssa.



Inirapan ko siya. "Bakit hindi mo sinulat? Kakasabi lang ni Ma'am, ah."



"Nakalimutan ko."



"Ang galing ng leader namin, wooh!" Pumalakpak si Carl para asarin ito.



"Salamat. Mas gagaling ako pag hindi kita ka group." Pambasag ni Alyssa rito.



Bago pa sila mag-away. Nilapag ko sa desk ang papel .ng mga gagamiting panlinis. Agad kinuha ni Alyssa para tingnan. "Hmm, medyo madami-dami rin pala."



"Oo. Need ng Scouring pads/ sponge nalang, cleaning towels, trash liners, toilet bowl brush, disinfectant or detergent powder."



"Ako na bahala mag dala sa sarili ko." Tumayo pa si Carl, hinampas ang dibdib.



"Ah, sa trash liners? Sige, sulat ko name mo, ah." Kunwari naman siya nag sulat habang may pang-aasar na ngiti.



Bumalik siya sa upuan. "Gago talaga."



"Guys, mag seryoso naman kayo. Dami ko na nga prob." Singit ni Josh.



Sinulyapan siya ni Alyssa. "Ikaw, ano dadalhin mo?"



"Kayo na bahala sa gagamitin, ako na mag lilinis."



Nakatanggap siya ng batok kay Clark. "Brad, lahat tayo mag lilinis!"



"Ay? Hindi ba individual?" Naguguluhan na tanong niya.



Sa pagkakataon na 'to, ako naman ang bumatok. "By group nga, e. Saan ka naka kitang groupings na individual?!"



"Wala paba ganoon?"



Inis nagkamot sa ulo si Alyssa. "Tanong mo sa sarili mo!"



"Magka-away kami."



Walang sumagot sa walang kwenta niyang sinabi. Pinagpatuloy nalang ni Alyssa ang balak na gawin. Kahit pa-paano pala nakikinig rin ang babae na ito. Matapos pag-usapan kung sino ang magdadala ng mga gamit ay sinabi niya kami kung saan parte mag lilinis.



When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن