🌼Chapter: 46

475 5 0
                                    

"Cheers para sa sunod na ikakasal!" Sherel stood up holding her glass full of wine.


Sunod na tumayo si Hari na pataas taas pa ng kamay na parang tatakbo sa senado. "Salamat, salamat, salamat! Enjoy niyo lang 'yang alak at ako mag gagatas lang." She chuckled as she showed the glass of milk.


Natawa ako bago nilagok ang alak. Inimbita kami nila Zander sa bahay nila. May pa inom daw para sa nalalapit na kasal. Kompleto kaming tropa, nandito rin ang mga asawa nila. Nandito rin 'yung Lander at mga kaibigan ni Zander.


"Oh, Sherel! Hinay hinay sa pag-inom." Saway ni Miracle. Napansin niya siguro na panay ang inom ni Sherel sa isang tabi.


Namumungay ang mata niyang bumaling kay Miracle. "Hayaan mo na, may kasama naman ako pauwi." Sabay nguso nito sa asawa niyang nasa living room kausap sina Clark.


"Musta na status niyo?" May pang-aasar sa tono ni Miracle.


Sinukmaan niya ito. "Anong status?! Walang ganoon, pweh!" Umarte siyang nasusuka sa gilid.


Bigla ngumisi ang babaeng nasa harapan ko. Panigurado may naiisip na naman 'to. "Chavion! Huy, lalaki ni Sherel!" She shouted while peeking into the living room.


"Hoy, babae! Ano balak mo?!" Mariin na bulong ni Sherel.


Hindi siya pinansin ni Alyssa at tuloy parin nakasilip sa living room. Napatingin si Chavion sa pwesto namin. Mag kasalubong ang kilay niyang nakatingin sa amin.


"Yeah?"


"Halika dito, dali!!" Kinumpas pa ang kamay habang tinatawag.


Litong lito ang lalake naglakad palapit sa amin. Una siya napatingin kay Sherel na nakayuko sa lamesa. Nahihiya siguro ang babaita na 'to.


"Pinapasabi ni Sherel, ano ba daw talaga kayo?" Hindi mapigilan ni Alyssa matawa habang tinatanong 'yon.


Narinig ko ang ilang pang-aasar nina Hari at Miracle. Karina just smiled while looking at them.

Chavion was obviously surprised, hindi agad nakapag salita. Saglit niya tinitigan si Sherel bago ibaling kay Alyssa. "Mag-asawa." Simpleng sagot nito.


Umangat ang tingin ni Sherel. "Alyssa! Pabalikin mo nalang 'yan doon!"


"Kiss muna bago umalis." Tumayo si Alyssa at siniko ito.


"Chavion, umalis kana. Huwag mo pansinin 'yan!" Saad ni Sherel sa asawa.


Agad ito tumango. "Drink moderately, wife." Umalis na ito matapos sabihan si Sherel.


"Ay may paganon?!" Humalakhak si Alyssa. "Wife daw, uy!" Ayaw talaga siya tigilan nito sa pang-aasar.


"Tumigil ka nga! Kapag talaga nagkaroon ka ng asawa, patay ka sa akin!" Pinakita pa ang kamao niya.


Umikot ang mata nito. "As if!" Sabay lagok ng alak.


"Eh, paano 'yan nandito na si pres–" bago ko matuloy natakpan na ang bibig ko.


"Papasabugin ko bunganga mong haup ka!" Banta nito kaya tumawa nalang ako.


"Sa ating anim kayo nalang ni Miracle ang wala." Turo ni Hari sa amin. "Wala kabang boyfriend Miracle? Himala wala kang nilalandi?"


"Nakakatamad na kaya." Naiiling na sagot nito. "Iiwan karin naman."


Nagkatinginan kaming lima sa sinabi niya. Parang may hinanakit sa boses kung makapag salita ng ganoon.


When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon