🌼Chapter: 43

389 5 0
                                    

"Out mo na?" Salubong ni Krista na kalalabas lang sa elevator. Hindi narin siya naka uniform. Mukhang pauwi rin.


I nodded. "Yes. Naiwan si Diane kasi nag iba siya ng schedule." Sagot ko. Sabay kami lumabas hanggang sa mismong sakayan.


"Lukaret kasi 'yon nag walwal." Tumawa siya kaya nadamay narin ako.


Hindi kasi nakapasok ng maaga kaya nag pasabi ito na pang gabi ang schedule niya kaya ayun nakabusangot nang maiwan namin sa loob.


Napaismid ako. "Parang siya hindi, ah. Mukhang may hangover ka nga nung pumasok ka."


She immediately hit me before putting on her jacket. "Beh, lutang ako kanina habang naglilinis ng room." Napahawak ito sa ulo. "Hindi ko alam kung ano u-unahin linisin."


Tinulak ko ang ulo niya. "Inom pa! Alam may trabaho." Sermon ko pero tinawanan lang ang sinabi ko.


Saktong may jeep kaya agad namin pinara. Kami lang sa loob wala nang pasahero. Wala na pasahero pag ganitong oras kaya minsan nakakatakot mag biyahe, mabuti nalang talaga isang sakayan lang ako.


I immediately turned on the flashlight while passing our street. Sobrang dilim at walang katao-tao, kinakabahan talaga ako pag ganito. Hindi pa ako sanay, isang linggo palang ako nakatira dito.


Akmang bubuksan ko ang gate nang mapansing bukas ang ilaw ng terrace ni Clark. I was surprised to see him sitting on a wooden chair. Nakapatong ang isang paa sa binti niya. Nakapantulog at halatang antok dahil panay ang hikab.


Binuksan ko ang gate kaya napatingin ito sa akin. Agad siya tumayo para lapitan ako. Nagtaka ako nang maglakad siya palapit. "Ganitong oras ka pala umuuwi, gabing gabi na, ah? Delikado pa naman sa dinadaanan mo tuwing gabi." Nag-aalala ito tumingin sa akin.


Ngayon niya lang ata ako naabutan. Maaga kasi ako pumapasok tapos gabi umuuwi kaya hindi talaga kami mag tagpo. Ngayon nga lang ulit nagkita kasi salungat ang schedule namin.


"Ganito talaga uwian namin." Tumalikod ako para isara ang gate. "Ah, ikaw kakauwi mo lang?"


Nagkamot ito sa ulo niya. "Ah, hindi. Kanina pang alas otso ako dumating. Nagtaka lang ako kung bakit tuwing umaga wala kana tapos sa gabi naman na dumadating ako lagi nakapatay ang ilaw at walang tao sa bahay mo. Akala ko...." Saglit siya natigilan at nakipag titigan sa akin.


I raised my brow. "Akala mo ano?" Curious kong tanong.


"A-Akala ko bumalik kana sainyo kasi nandito ako. Simula kasi mag kita tayo... kinabukasan nun hindi na kita naabutan." He said shyly. "Don't worry, I didn't mean to bother you. I was just really worried. Akala ko dahil sa'kin kaya palagi ka wala–"


"Wala akong iniisip na ganoon, Clark." I cut him off. "Matagal na 'yong issue natin kaya huwag mong isipin na umiiwas ako dahil lang sa ayaw kita makita." Mahinahon na sabi ko.


He was slightly surprised. Maybe he thought I was still mad. Siguro meron pa pero hindi na tulad dati. Pagod na 'ko magalit, wala rin naman mangyayari kung a-awayin ko siya, nag-sasayang lang ako ng laway pag ganoon. Alam niya ang nagawa niyang mali bakit ko pa ipapamukha?


"Una na 'ko." Paalam ko. Parang na speechless ata sa sinabi ko. Hindi nakasagot, e.


Nilagpasan ko na ito at naunang pumasok sa loob. Isasarado ko sana kaso bigla siya humabol at pinigilan ang pagsara ng pintuan ko.


"Bakit?" Kumunot ang noo ko.


"Kumain kana ba? May niluto ako kanina. Napadami ang luto ko baka gusto mo." Alok nito.


When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon