🌼Chapter: 25

264 8 0
                                    

"Carl, truth or dare?" Nakangising tanong ni Miracle. "Well, if you pick truth... I'll ask y–"

"Truth na syempre!" He answered confidently.

Miracle stopped for a second to think about some questions na mahihirapan sagutin ni Carl.

Napatingin ako sa pwesto niya, halatang hindi kinakabahan. Siguro naiisip niya ngayon na wala kami maiitanong sakaniya.

Weekend ngayon, Alyssa invited us to have some fun. Masyado kami naistress ng isang linggo sa sobrang daming pinapagawa.

"Ano na?" He asked, looks bored for waiting.

Before she speaks, Alyssa has already interrupted her. "Ako na, tumabi ka diyan." She slightly pushed Miracle to be in front of him.

"Oh, ano? Ayusin mo tanong mo, ah!" Mayabang na saad ni Carl. Napaayos ng upo.

She smiled devilish. "May nagustuhan kana ba? Pero hindi naging sa'yo?"

Lahat kami nakatingin kay Carl, bigla siya pinagpawisan at iniwas ang tingin. Nagsisimula narin mamula ang kaniyang mukha.

He bit his lips. "Yes." Sagot nito.

"Sorry kung na friend zone kita, Carl." Nakayukong saad ni Miracle.

Inis siyang nilingon ni Carl. "Lul! Ni hindi nga dumaan sa isip ko na magustuhan kita."

Napuno ng tawanan sa loob ng bahay ni Alyssa. Inis na inis naman ang mukha ni Miracle at handa na sumugod.

"Bars!!! Ganda ka ba daw?" Sulsol ng mga kaibigan nito.

"Bakit naman?" Sabat ko. Lahat sila napunta ang atensyon sa akin. "Halos nga nasa kaniya na lahat. Pwera lang sa utak, medyo nagkulang doon."

"Wow, salamat, ah! Hindi ko alam kung matutuwa pa ako sa sinabi mo o tanggapin nalang na wala akong matino na kaibigan." Nakasimangot na saad niya.

Napatikhim si Carl. "Yeah, we all know that Miracle has a wealthy life and beautiful with the heart...pero mas gusto ko ang babaeng simple lang. Alam 'yon ni Miracle."

"Kilala mo kung sino?" Tanong ni Karina rito. "Sabihin mong hindi ako 'yon!"

"Hindi naman talaga Ikaw, eh!" Mabilis na sagot ni Miracle. "Sa kasungitan mo, suko na agad sa'yo si Carl."

"Eh, sino?" Si Hari.

Nagkibit balikat si Miracle. "I don't know, hindi ko alam ang name."

"Baka ako 'yon ah! May boyfriend na ako." Tinulak tulak pa niya ito.

"Saksak mo pa sa baga mo 'yang boyfriend mong rebelde." Naiiling na saad ni Carl.

Napaawang ang labi nito at tuluyan na tinulak hanggang sa mahalikan ni Carl ang tiles. "Ano sabi mo, ah?!"

"T-Tulong!" Sigaw nito sa mga kaibigan niya.

Wala tumulong sakaniya, imbis na sawayin sila ay minabuti naming huwag nalang pansinin. Pinagpatuloy namin ang paglalaro kahit hindi na makahinga si Carl sa gilid namin.

Muli pinaikot ni Josh ang bote sa gitnan namin at tumapat iyon kay Alyssa. Tatakas pa nga sana, buti nalang nahawakan siya ni Karina.

"Pano pag dare pinili ko? Gaano kalala ipapagawa niyo?" Kinakabahan na tanong niya sa amin.

"Madali lang naman, ayaw ka namin pahirapan." I grinned.

Nanliit ang mata nito sa akin. "Bakit parang nakakatakot? Sige nanga, truth nalang." Umikot ang mata niya.

When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Where stories live. Discover now