🌼Chapter: 41

381 4 0
                                    

Pagkatapos kumain ay tumulong ako para mag hugas ng pinag-kainan. Sina Alyssa ang taga linis ng ilang natira sa lamesa. Ang tatlong lalaki ay naka assign na mag entertainment sa mga bisita. Kaya kaming tatlo ang naiwan sa loob.

"Nako, pumunta kana doon sa labas. Samahan mo ang mag-ama mo." Tinulak tulak ito ni Alyssa, balak pa tumulong kaya hindi namin pinagbigyan.

"Ayos lang, atsaka mga bisita kayo. Dapat nandoon kayo sa labas." Inilagay niya ang ilang tirang pagkain sa plastic.

I smiled. "Hindi na. Wala naman kami gagawin doon kaya tutulong nalang kami sainyo." Ani ko.

Agad siya nag-iwas tingin. Napakunot ang noo ko sa ginawa nito. She seemed shy and couldn't look at me. Hinayaan ko nalang baka pagod lang.

"Sweetheart!" Pumasok si Josh sa loob. "Halika sa labas, kayo rin dalawa! Tara sa labas may palaro tayo sa adult!" Aya nito sa amin.

"Sige, tapusin ko lang 'to." Saad ko habang bina-banlawan ang sinabunan kong mga plato.

Pero bago ko magawa 'yon, nag tulong sila ni Alyssa para hilahin ako sa labas. Wala na 'ko nagawa, hinayaan nalang ang sarili na hinihila nila.

When we came out, maraming mga bata ang nakapalibot kina Carl na magkaharapan na nakaupo. Nagsisimula na sila mag laro.

Isiniksik nila ako malapit sa pwesto ng dalawa. Dumapo tuloy ang tingin ni Clark sa'kin pero mabilis iniwas at ngumiti nalang sa mga batang nanggugulo sakanila.

Lumapit si Josh sa dalawa, may fishbowl itong dala. May laman na katamtamang laki na papel. "Bunot ka, Clark. Tapos si Carl ang manghuhula."

Mukhang hindi ko nagugustuhan ang ngisi ni Josh, ah. Parang may binabalak. Imbis na bata ang maglaro, sila ang naglalaro ngayon.

Agad bumunot si Clark, kinuha muna 'yon ni Josh para tingnan kung ano ang nakalagay. Mas lalo lumawak ang ngisi nang makita ang nakasulat.

"Oh, ito huhulaan mo, pare!" Pumunta ito sa likod ni Carl at inilagay sa noo habang hawak niya ito, pero nakatalikod pa ang papel ayaw ipakita. "One minutes lang, ah. Sweetheart start mo na ang timer."

Ang asawa niya ang pumpwesto sa gitna. "Pagkasabi ko ng start, ipakita mo na kay Clark, ah." Saad ng asawa niya. "In three, two, one....start!" Sigaw niya.

Agad iniharap ni Josh ang papel sa noo ni Carl. Laking gulat ko nang makita ang pangalan ko sa papel na 'yon. Pinagmamasdan ko si Clark para makita ang reaction niya pero sa akin rin pala nakatingin. He bit his lip before turning his gaze to Carl.

"Tao?!" Unang tanong nito.

"Yeah." Kung si Carl ay sumisigaw ngayon, si Clark naman ang mukhang kalmado habang sumasagot.

"Artista?"

"Nope."

"Kaklase ba natin?" Muling tanong niya.

Clark stole a glance at our place before turning to Carl. "O-Oo."

"Nung highschool ba?"

"Hindi."

"Senior high school? College?"

"Oo." Mabilis na sagot niya.

"Babae ba?" Parang unting unti may namumuong sagot sa mukha niya. Nag sisimula na ngumisi e.

"Yap."

"Kaibigan natin?" Tumaas ang kilay niya.

"Y-Yes."

When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang