🌼Chapter: 31

284 3 0
                                    

"Why did you choose her over me?!" Nagsusuot ako ng sandals nang marinig ang sigaw sa labas ng bahay namin.



Hindi ko 'yon pinansin, baka may naglalarong mga bata lang sa labas. Inayos ko ang suot kong black dress na pinatungan ko ng purple cardigan. Tumingin muna ako sa salamin bago tuluyan lumabas.



"Huh? May problema ba doon?" Clark asked confused as Allie pretended to cry outside our house.



Siya 'yung may aso na hindi marunong dakutin ang tae ng alaga niya. Himala dumating siya ngayon? Maaga siguro ang bakasyon kaya nandito ngayon 'to. Nag transfer kasi 'yan, sa sobrang tigas ng ulo.



"Nag transfer lang ako, siya na agad pinili mo?" Lumapit ito at hinila ang polo na suot ni Clark. "Tell me! Ginawa mo ba siya panakip butas habang wala ako?" Ilusyunadang tanong niya rito.



Hindi ko maiwasan matawa. Halata ang hindi pagiging komportable ni Clark sa babae. Parang gusto niya na lumayo pero hindi magawa kasi hawak siya.



"Bakit ko naman gagawing panakip butas ang girlfriend ko? Matagal ko sinuyo 'yan para bumalik sa akin, tapos gagawin ko lang panakip butas?" Mahinahong sagot niya na lalong nag paiyak sa maarteng babae na 'to.



"Then, anong meron siya na wala ako?"



"Pagmamahal ko." Mabilis na sagot nito. "Marami pang iba diyan, Allie. Hindi ko mabibigay ang gusto mo. Mahal ko ang girlfriend ko. Mahal na mahal." He said softly.



"Nilason ng babae na 'yan ang utak mo!" Ayaw parin tumigil. Hindi talaga matanggap na akin na ang matagal niyang gusto.



"Hoy, Allie! Mag saing ka muna bago ka mag drama diyan!" Sumingit na ako, kanina pa sila nag-uusap.



Agad napunta ang tingin nila sa akin, lalo na si Clark na mabilis nakuha ng atensyon ko. Lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi. Gumanti rin ito at kitang kita ang kislap sa mata habang tinitigan ako. "Ang ganda talaga." Bulong niya sa aking tenga at pinatakan ng isang halik 'yon.



"I hate you!" My smile disappeared when Allie spoke again. "And you, Clark! Sinaktan mo ako!" Tumakbo na siya papasok ng bahay nila, natisod pa nga e. Tanga talaga.



"Hala ka, sinaktan mo raw." Tinulak tulak ko siya pero ang tingin niya hindi inaalis sa akin. Nakahawak ang isang kamay sa aking bewang.



"Hmm, Sa pagkakaalam ko. Wala akong ginawang masama sakaniya. Hindi ko rin siya pina-asa. So it's not my fault if she gets hurt." He put his arm around me.



"Sus, tinulungan mo nga siya noong mag-away kami." Pag-papaalala ko ng nangyari sa amin noon.


Sumimangot siya. "Wala akong naalala."



"Hmmp!" Nauna na ako maglakad. I heard his call as he followed me.



"Huwag kana mag tampo, mahal. Baka imbis na misa ang pinunta natin sa simbahan ay pakasalan kita bigla doon." Isinigaw niya talaga. Kaya ang ilang taga ibang street at natigilan. Maski ang ilang batang naglalaro sa labas napatingin sa amin.



"Sa kasal pala ang hantungan." Pang-aasar ng ilang matanda sa amin.



Inis ko nilingon ang lalaking nakangisi habang papalapit sa akin. "Ang ingay mo, leche ka!"



Naabutan niya ako, ikinulong agad ako sakaniya para hindi na ako makaalis sa tabi nito. "Mahal mo naman." Bulong niya.



Siniko ko ito na ikinadaing niya. "Ang sadista, mahal..ah!"



When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Where stories live. Discover now