🌼Chapter: 5

404 9 0
                                    

"Matangkad naman ako, pero bakit wala akong ka mishyumay." Nakayuko si Carl habang hinahampas ang desk, nag dadabog.



"Ako nalang, mas matangkad ako." Singit ni Clark. "Wala rin akong ka mishyumay, hindi pa bumabalik." Parinig nito.



"Ayoko, hindi ka chicks." Muli napayuko si Carl at malakas hinampas ang lamesa. "Tangina, sa sobrang gwapo ko wala nang lumalapit. Akala siguro nila mataas ang standard ko." Napaisip na sabi niya, nakakunot ang noo.



I felt Alyssa's face near my ear. "Ano pinagsasabi nila?" She whispered.



Napanguso ako. "Baka 'yung trending sa TikTok." Lumayo ako nang kaunti bago siya nilingon. "'Yung need ng partner tapos may kantang 'Wish you mine'?" Nakapamot ako sa ulo, I don't even know the lyrics, but I think that's what they're talking about.



Kumunot ang noo ni Alyssa. "Huh? Boring naman ng mga pinapanood nila," naiiling na sabi niya. "Ito panoorin mo, lakas mag warak ni John Cena." Sabay pakita ng pinapanood niyang wrestling.



Napaismid ako at inilipat ang tingin sa iba. Dumako ang tingin ko kay Clark, busy siya makipag kwentuhan sa tropa. Mabuti nga hindi ako ginugulo nito ngayon, mukhang natauhan na.



Bigla ako nataranta nang magtama ang tingin namin, iniwas ko agad at nakinood sa cellphone ni Alyssa. Tuwang-tuwa naman ang bruha habang nanonood.



"Angas 'no?" Sabay turo ni Alyssa sa cellphone. "Gusto mo try din natin?"



Lumayo tuloy ako sa sinabi niya. Kakaiba talaga mag-isip ang babae na 'to. Minsan napapaisip akong hawak na siya ng diablo.



"Hi, miss." Paglingon ko sa kabila, mukha ni Clark ang bumungad. May upuan na sa tabi ko, kinuha pa ata niya sa kabilang row.



"Ano na naman?!" Asik ko.



He held his chin and watched me.  Sobrang lagkit ng tingin ni Clark, parang bigla ako nahiya.



"Ngayon lang tayo ulit mag-uusap tapos susungitan mo pa ako." Napanguso siya, nag pacute pa ang gago.



Paano hindi mag-uusap, eh madalas ko iwasan si Clark sa tuwing mag tatama ang landas namin sa subdivision. Napansin ko rin na umiiwas siya sa akin noong nag daan na araw. Siguro gawa nung bigla ako bumaba sa jeep at pinagsalitaan ko siya.



Kinabukasan nun, hindi na siya nang-gulo or nangulit but our eyes often met every time I looked at him.



"Oh, ano naman?"



Mas lalo humaba ang nguso nito. "Nag tatampo ako nun, hindi mo ba alam?"



I was a little surprised but didn't show it to him. "Hindi e', sa susunod galingan mo mag tampo para maging aware na ako." I rolled my eyes.



Unti unti sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang sagutin ko ito. "Sabay ka sa akin mamaya?" Pag-iibang topic niya.



Mabilis ako umiling. "Nope."



"Bakit naman?"



"Kailangan mo paba malaman?" Tumaas ang kilay ko.



"Sabay kana, baka mahirapan ka umuwi mamaya." Pag pupumilit niya.



"No n–"



"Beh, tingnan mo 'to. Ang lupe–teka, bakit nandito ka?" Alyssa's smile disappeared when she saw Clark next to me. Hindi rin niya natuloy ang sasabihin dahil napunta ang tingin sa lalake.



When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Where stories live. Discover now