🌼Chapter: 42

405 5 0
                                    

"Tinatawagan mo lang talaga ako kapag may kailangan kalang." Sumandal ito at sa upuan sabay ipinatong ang paa sa center table.

"Sinong tanga nanghost sa akin, huh?!" Sumbat ko habang nakatutok ang isang daliri sa mukha niya.

"Lumalayo lang ako.. may boyfriend ka noon. Alam mo 'yung salitang respect? Palibhasa wala ka nun!" Humalakhak ito.

"Shut up, Lenard!" I rolled my eyes. "Tutulungan mo ba ako o hindi?" Lumapit ako. Nanatili nakatayo sa harapan niya habang nakapameywang.

Saglit pa siya nag isip. A finger rested on his chin as if thinking. "Wala kasi akong alam na pwede mo lipatan."

"Pero... Doon sa dating bahay na inupahan ng tropa ko, malapit lang 'yon sa hot–"

"Sige doon nalang ako!" Umupo ako sa tabi niya. "Tara puntahan natin!"

Napaismid siya. "Walang ka-siguraduhan kung pinapaupa pa 'yon. Malay mo may nakatira na doon!"

Inis ko hinila ang t-shirt niya. "Kaya nga puntahan natin para malaman!"

"Bitawan mo nga ako! Nagugusot mo na, eh!" Reklamo niya. Siya mismo nag alis ng kamay ko sa t-shirt niya.

I rolled my eyes. Tumayo ako at muli humarap sakaniya. "Hintayin mo ako at aalis na tayo."

He stared at me in disbelief. "Wow, may patago ka, Ma'am? Ikaw mag pa gas sa kotse ko, ah."

Nanliit ang mata ko. "Okay fine!" Umalis na 'ko sa harapan niya at dumiretso sa kwarto para makapag palit ng damit.

Simple lang ang isinuot ko. I chose a black polo blouse and white shorts. Nag white rubber shoes lang ako para comfortable pag naglakad. I spray perfume before leaving my room.

"Tara na." Aya ko rito. Busy siya magbasa sa magazine na mukhang nakita niya sa ibabaw mg center table.

Umangat ang tingin niya sa'kin. He was slightly surprised while looking at me. Parang natulala pa nga. Kaya napapitik ako sa daliri para magising.

"Sabi ko tara na." Ang hawak kong bag ay ipinatong na sa aking balikat. Ready na umalis.

Agad siya tumayo, pinagpagan ang slack na suot. Kagagaling niya lang sa trabaho binulabog ko lang kaya nandito. Walang magagalit kung saan siya mag punta, siya naman ang boss.

While Lenard drove quietly, nakipag chimisan muna ako sa gc namin ng girls, may ibang gc pa kami kung saan hindi kasama ang tatlong lalaki.

Alyssa Faye Perez •

- Welcome back, Karina!

Nanlaki ang mata ko at agad nag tipa.

Creselia Sylyphyn Velencio•

- Ngayon uwi mo?!

Karina Sarmiente •

- Unfortunately, yes.

I winced. It was obvious that Karina had no intention of going home if her father didn't force her. Sa sobrang bilis ng araw at taon. Ngayon ang year para sa pag dating ni Karina. Mahigit isang taon narin ako naghahanap ng malilipatan kaya nag patulong na'ko kay Lenard.

Biglang nag ring ang phone ni Lenard kaya napunta ang tingin ko rito. He answered that for a moment before hanging up. Puro 'yes' lang naman ang sinabi.

"Hinahanap ka sa company mo?" Curious kong tanong.

"May pa meeting na ipinaalala ang secretary ko." Sagot niya, hindi nakatingin sa akin kundi sa daan.

When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Where stories live. Discover now