🌼Chapter: 24

245 5 0
                                    

"Bakit?" Nangunot ang noo ko nang pagbuksan ang aking kapatid.


Tinignan niya lang ako at tinuro ang bintana ng kwarto ko. "May maingay." Pagkatapos niya sabihin 'yon ay sinarado na ang pintuan ko.


Napakamot ako sa ulo, nakarinig ako ng mga kumakanta sa labas kaya dali dali ako lumapit sa bintana para tingnan kung sino ang mga 'yon.


Napaawang ang aking labi nang makita ang tatlo sa baba. May hawak na gitara si Carl, habang si Josh naman ay ang mic.


Hindi rin mag papakabog si Clark na may dalang mga ligaw na bulaklak. Nakatingala sa itaas kung saan banda ang kwarto ko.


He smiled genuinely. "Ready na boys." Kinalbit niya ang dalawa na nakatingin kung saan. Umangat lang ang tingin nila nang ituro ako ni Clark.


Hilaw akong ngumiti. Medyo kinakabahan rin ako kasi gabi na at nandito parin sila. Mabuti nalang talaga masarap ang tulog nila Mama kaya hindi sila nagigising sa ingay ng tatlo na 'to.


Nag sign ako ng wait para bumaba. Baka lakasan nila ang kanta at makabulabog ng kapitbahay. Nakakahiya, baka mapa barangay pa.


Nag sisimula na mag strums ng gitara si Carl, nakasuot na sila ng pantulog. Parang mga galing pa nga sa kama, medyo magulo rin kasi ang buhok nila.


"One...twoo...three." Pagbilang ni Josh. "Ako'y.... tahimik lang sa umpisa. Kahit 'di mo 'ko pilitin.." Sobrang lamig pa ng pagkakanta niya. Feel na feel ng gago.


Napatingin ako kay Carl na feel na feel rin ang pag gigitara. Nakapikit pa ang gago habang umiiling. Nakangiti rin na parang nakakarelate sa kanta.


Napanganga ako at mabilis inilipat ang tingin kay Clark na parehas rin sa reaction ko. Nakatulala siya dalawa, mukhang hindi 'to ang pinaghandaan nila.


"Mayro'n ka bang lemon?" Lumapit si Josh sa pwesto ni Carl at itinapat ang mic pagkatapos kantahin ang isang lyrics.


"Gusto ko tequila!" Kanta naman ni Carl.


"Pagkatapos kong mag-shot, sipsipin mo aking dila!" Si Josh.


Hindi na nakatiis si Clark, binatukan na ang dalawa niyang kaibigan. "Hindi 'yan ang pinag usapan natin."


Napakamot ang dalawa. "Sayang kasi iphone 14." Ani Carl.


"Akala ko ba tequila ang gusto mo?" Tanong naman ni Josh.


"Pwede naman both." He smiled sparingly.


Sa pangalawang pagkakataon ay ako naman ang lumapit para batukan sila. Kasama rin si Clark.


"Takte, bakit ako nadamay?" He pouted.


I rolled my eyes. "Ikaw ang may pakana nito, e. Imbis na natutulog nalang kayo, naisipan niyo pa talaga mambulabog." Muli ko siya binatukan.


Pinigilan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sakaniya. "Gusto lang naman kita haranahin." I felt his kiss on my hair.


Umangat ang tingin ko at kinurot siya. "Eh, bakit mo pa sinama 'tong dalawang siraulo na 'to?" Turo ko sa dalawa na parang nandidiri sa pwesto namin ni Clark.


"Ungrateful." Bulong ni Josh.


"Woah, nag english ka, pre?" Hindi makapaniwalang tanong ni Carl.


"You heard me, right?" Ginandahan niya pa ng accent. He even smirked.


"Woah! Papasa kana talaga sa grade 12!" Carl gave him applause.


When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora