🌼Chapter: 17

282 4 0
                                    

"Alam mo ba? That I can read what's on your mind?" Kakagatin ko palang ang tinapay nang ilayo ito ni Clark sa'kin, naudlot tuloy. Sinadya niya talaga para kunin ang atensyon ko. 

Potan-

"Alam mo rin ba na kaya ko pigain 'yang mukha mo kung hindi mo pa aalisin 'yang hawak mo sa tinapay ko?" I looked at him intently.

He laughed suddenly, covering his mouth with his arm. He kept glancing at me while laughing. Akala siguro nakikipag biruan ako. Pipigain ko talaga ulo niya kapag pinagpatuloy pa nito ang pinag-gagawa sa akin.

Malakas ko siya hinampas. "Ano nakakatawa?!" Malapit na pag lagaan ang kumukulo kong dugo sakaniya.

Unti unti nawala ang tawa nito pero nanatili parin nakangiti. "Gusto mo ba ng magic?"

Kumunot ang noo ko. "Sige, as long as the magic you're talking about can make you disappear in front of me."

Umiling siya habang tumatawa. "'Di pwede 'yon. Kaya ko lang basahin 'yang nasa isip mo."

Inismaran ko siya. "Kung kaya mo naman pala, bakit hindi mo mabasa sa isip ko na ayaw kong nandito ka?" Mataray na tanong ko rito.

Tumayo ito. Agad ako napaatras nung maupo siya sa upuan ni Alyssa. He put his arm on my backrest. Bigla rin ako nailang nang ilapit ang mukha nito sa akin.

Shet! Mabuti nalang talaga wala masyado estudyante sa room namin. Nag recess kasi 'yung iba. Kakaunti lang ang nandito. May mga sariling mundo pa sila, hindi kami napapansin.

"Lumayo ka nga!" I pushed him.

Ngumiti lang ito. "Isip ka ng kahit ano, tapos huhulaan ko."

Kinagatan ko muna ang tinapay bago nag isip. Ano ba magandang ipahula sakaniya? Maganda sana kung unique para hindi niya mahulaan.

Kung calamares kaya? Pwede rin ice cream or siopao! Sige, monde nalang.

"Okay na." Inirapan ko siya.

He held his chin as if thinking. The smile on his lips still hasn't disappeared while staring at me.

"Hmm," lumapit ito sa akin. "Looks like what you're thinking is.... Me? Tama ba? Ako laman ng isip mo?" Mahangin na saad niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ginagago mo ba ako?!" Hinila ko ang buhok niya. "Akala ko ba kaya mo hulaan? Bakit hindi mo nalang hulaan ang sarili mo kung gaano ka kabobo?" Lahat ng hampas ko sinalo niya. Ginawa nanga shield ang braso niya

Mas lalo lumawak ang ngiti niya. "Bakit hindi ba 'yon ang nasa isip mo?" Tanong niya, panay iwas sa hampas ko. "Ako nga kahit hindi mo tanungin, ikaw parin ang iniisip ko." Pambobola niya.

"Umalis ka nanga!" Hinila ko ang kwelyo nito paalis sa upuan ni Alyssa.

"I prefer to be next to you." He caught my hand and smiled sweetly. "Dito nalang ako, reviewhin kita."

Hinawi ko ang kamay ko at sinamaan siya ng tingin. "Kaya ko mag review mag-isa, che!"

Pinagmamasdan niya ako nang maigi. "Talaga? Kung nag review ka. Give me Galileo's three motion theory." He smirked. Nagyayabang pa ang gago.

My eyes narrowed. Akala niya siguro nagsisinungaling ako. Sorry siya kasi nagreview ako kagabi.

"Vertical motion, projectile motion and horinzontal motion. Ano?! Panis!" I pushed his forehead with my finger.

His smile widened. He came closer to me and grinned. "Pinalad ka doon." Natatawang saad nito.

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Aba, niyayabangan mo ako, ah! Ako naman mag tatanong sa'yo."

When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)On viuen les histories. Descobreix ara