🌼Chapter: 32

276 5 0
                                    

"Thesis defended!" Pinagyabang ni Carl ang papel namin. Panay ang talon, naiisip na siguro niya ang gagawin ngayong nalalapit na bakasyon. "Kayo na next! Nanggigisa si Ma'am, Corales." Pananakot nito sa group ni Alyssa.


Sinamaan siya ng tingin. Hindi natakot sa sinabi ni Carl. "Ikaw gisahin kong haup ka!" Akmang babatukan niya ito pero napigilan ni Pres.


Wala nagawa si Alyssa, lumabas na sila para pumunta sa kabilang room. Nandoon ang mga panelist. Bawat group pumupunta doon para I defend ang gawa nila.


Napahawak ako sa aking dibdib at nakahinga nang maluwag. Ang mga ilan naming kaklase nag puntahan kay Sunny para mangolekta ng information. Nag tatanong sila kung ano mga itinanong sa amin.


Tumayo ako para hanapin ng aking mata si Clark. Nakita ko siya, seryoso habang dinidiscuss ang papel sa mga ka group niya. Hindi ata niya napansin na nandito na ako. Pangalawang group kami sa nag defend, sila pang huli.


Hinayaan ko muna siya doon sa mga ka group niya. Sinubsob ko muna ang ulo sa desk. Antok na antok ako. Wala kaming tulog lahat, pinaghandaan talaga namin 'to. Research defense nalang kasi ang kailangan para maka graduate. Tapos na kami sa ibang subject, ito nalang talaga ang kulang.


"Babe...babe... Tulog ka?" Napaigtad ako nang may bumulong sa aking tenga, as in sa tenga ko talaga mismo bumulong.


"Hindi. Gising ako. Ginising mo!" I rolled my eyes. Panira sa tulog amp. Ang ganda ganda ng panaginip ko bigla naputol dahil sa pag bulong niya.


"Kami na sunod." He smiled. Patago niya hinawakan ang kamay ko. "Congrats, baby. Hindi agad ako nakapag congrats, busy sa groupmates e." Kumamot siya sa ulo.


Tipid ako ngumiti at pinisil ang kamay niyang nasa ilalim ng desk namin. "Good luck! Ready kana magisa?" Pananakot ko.


"Parang mas gusto ko mag pa gisa sa'yo." Ngumisi ito. "Punta ka mamaya sa bahay." Biglaang aya niya.


Kumunot ang noo ko. "Ano gagawin ko do'n?" Nakakahiya sa magulang at kapatid niya kung tatambay ako doon.


Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. "Wala, yakap lang." Tumawa siya pagkatapos sabihin 'yon.

Nabatukan ko siya. "Tigilan mo ako, Clark. Ang manyak mo." Inirapan ko ito. Nagsisimula mag init ang mukha ko.


"Biro lang. Birthday ng pamangkin ko, kaya pinapapunta ka ni Mama." Muli niya ako tinawanan, tinuro pa ang mukha kong nakasimangot. "Easy lang, babe. Gagawin lang natin 'yon pag gusto mo na ulit mag pakain–"


"Clark!" Kinuha ko ang papel sa desk at hinampas 'yon sa ulo niya.


"Joke lang ulit!" Ginawa niyang shield ang braso para makaiwas sa hampas ko. 


Bwisit na lalaki 'to! Maaga ako tutubuan ng puting buhok dahil sakaniya. Mabuti nalang talaga tapos na ang pang-apat na group. Sila na ang sunod. Nag paalam na ito sa akin pero bago umalis patago pa nag nakaw ng halik sa pisngi.


Wala nakakita dahil may mga sari-sarili silang mundo sa upuan. Mga tapos na kasi mag defend kaya hayahay na. Si Carl naman busy kausap si Alyssa. Tinatanong na agad kung pwede maki swimming sa bahay nila. Ligong-ligo na kasi 'yan.


Umalis ako sa upuan para makichismis sa pinag-uusapan nila. Nakakabored kasi, nawala na ang antok ko gawa ni Clark.


"Pwede ka naman mag swimming sa bahay." Rinig kong saad ni Alyssa paglapit ko palang. "Pero sa sunod nalang pag wala nang tubig."


When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Where stories live. Discover now