🌼Chapter: 15

296 6 0
                                    

"Hoy, horror booth tayo." Hinila ni Carl ang kamay ko papunta sa booth, muntikan pa nga mahulog ang hatdog na hawak ko. Biglaan ba naman.

"Teka!" Sinusubukan ko bawiin ang kamay ko pero patuloy parin ito sa paghila hanggang sa makarating kami sa booth.

"Ampucha, pangatlong hatdog mo na 'yan!" He complained, nagkakamot pa sa ulo. Pagkarating kasi namin, I immediately ate the remaining piece.

"Bakit ba tumatahol ka?! Pinag bayad ba kita?!" Singhal ko sa mukha niya. Dahil do'n agad siya napalayo at parang nandidiri pa.

Napairap ako sa ginawa nito. Grabe! Siya na nga 'tong nangugulo tapos ang lakas ng loob sabihan ako ng ganoon. Tapos kung makapunas sa mukha akala mo ang dumi dumi ko.

Magsasalita pa sana ito kaso may biglang asungot na sumulpot. "Pre, nakita mo–" bago pa matuloy ni Clark ang sasabihin ay agad na ito naitulak ni Carl papunta sa akin.

"Par, samahan mo naman si Creselia, gusto mag horror booth." Napahawak si Clark sa aking bewang nang muli siya tinulak sa akin ni Carl. Muntikan na kasi ako matumba, mabuti nalang mabilis siya kumilos.

Bago pa ako makapag reklamo ay tumakbo na paalis si Carl. Mukhang pinagtripan pa ako ng gago na 'to! Talagang nagsinungaling pa para lang makasama ko si Clark.

I pushed him when I noticed that we were very close. "Wag ka maniwala sa gag–"

"Let's go," tipid siya ngumiti bago ako hilahin papunta sa booth.

I tried to remove his tight grip on my hand but it was too tight, ayaw talaga ako pakawalan.

No choice tuloy ako pumasok. Sobrang dilim at puro sigaw ng ibang kasama namin ang naririnig ko kahit nasa malayo na sila. I felt a little nervous from the background music I heard inside.

"Bitawan mo na 'ko! Kaya ko naman!" Pwersa ko hinila ang aking kamay mula sakaniya kaya mabilis niya ako nabitawan.

"Humawak ka, Creselia." Sinusubukan niya lumapit pero nanguna ako sa paglalakad.

"Subukan mo ako hawakan, makakatikim ka sa akin!" Nilingon ko siya at sinukmaan ng tingin.

Natameme siya at umaktong zinizipper ang bunganga, napairap tuloy ako. Daming alam, mas lalo ako naiirita. Kasalanan 'to ni Carl kaya magkasama kami ngayon.

Nanahimik akong kumakain sa gilid tapos nandito na ako ngayon sa horror booth?! Balak ko lang kumain sa pangalawang day ng intrams namin kaso panira sila! Akala ko matatahimik ako ngayon kasi wala si Alyssa, 'yon pala hindi! Ugh, kairita.

"Creselia!" Napatili ako nang bigla ako hilahin ni Clark papunta sa likuran niya. May bigla kasi sumulpot na lalaki. Naka costume ito at naka mask siya, nakakatakot nga e.

Choz, hindi pala masyado. Mas nagulat pa nga ako sa sigaw ni Clark, masyadong over.

Sinilip ko ang lalaking gumulat sa amin. "Bakit ba bigla ka sumusulpot?!" Inis na tanong ko.

I got no answer, he came even closer. Humigpit ang hawak ni Clark, mas mukhang siya pa ang natatakot sa amin.

"Sige lumapit ka! Itutusok ko 'to sa'yo!" Nilabas ko ang pinutol na stick na nilagay ko sa aking bulsa kanina. Ito 'yung stick ng hatdog kong hindi naitapon dahil sa katamaran ko mag tapon sa basurahan.

Inalis ko ang pagkahawak ni Clark sa akin at dahan-dahan lumapit sa nananakot. Napangisi ako nang umatras siya at itinaas ang kamay na parang sumusuko.

When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Where stories live. Discover now