🌼Chapter: 21

265 7 0
                                    

"Anong say niyo dito?" Sabay kami napalingon kay Alyssa, itinapat ang cellphone sa amin.



The four of us quickly came to hold it and looked at the photo on the screen.



I frowned. "Sino 'yan?" Picture ng lalaki 'yon, naka suot ng mask kaya hindi ko makita ang buong mukha.



Hinampas siya ni Miracle. "Anong masasabi namin sa picture na 'yan? Bobo kaba? Anong isasagot namin diyan?"



"Baka kailangan sagutin kung gwapo ba or hindi?" Singit ni Hari.



"My answer is no," iniwas ni Karina ang tingin sa cellphone at pinagpatuloy kainin ang pagkain nasa harapan niya.



Nag i-improve na ang circle of friends namin, hindi na kami na ngongolekta ng kaaway, kaibigan na ngayon, dumagdag si Hari at Karina. They are also friends with Miracle, so we got along easily. Actually, kaya ko lang naman sila nakilala gawa ng pakikipag away ni Alyssa at Miracle sa a school mate namin. Nagtagpo ang landas naming lima sa clinic, mga ilang linggo narin ang nakalipas nun.



"Mga gago!" Alyssa took the cellphone back and hid it in her pocket. "Siya 'yung nagsabi na hihintayin 'yung gurl after four years pero naghanap rin matapos ang ilang buwan." Kwento nito.



"Sino naman?" I asked curiously. I suddenly wondered who that was, kawawa naman siya. 'Yung akala mo may nag-aantay sa'yo, tapos nalaman mo nagjowa na pala.



"Also from tvl strand, I was in cr when they talked about it. Gulat sila nang makita ako, eh!" Malakas siya tumawa. "Pero pinakinggan ko muna sila bago ako nagpakita."



"Oh, ano meron?" Karina's voice shows that she is not interested.



"Kwento mo na, dali!" Hari lightly tapped the table to make her look at her. "Malapit na mag time!"



"So 'yon na nga," lumapit ito sa amin, pabulong niya sinabi. "Siya nakipag break sa boy, gusto kasi mag focus sa study." She started.



"Miracle left the group," sabat ni Hari, nakangisi. "Gayahin mo 'yon, inuuna pag-aaral."



"Wow, nagsalita ang babaeng may jowang red flag." She rolled her eyes.



"Hindi siya red flag!"



Hinampas ko ang lamesa, "Ang ingay! Hindi ako makapakinig nang maayos!" Wala pa nga kami sa kalahati, nag a-away na agad sila.



"Para ka namang burnik, Miracle!" Kumamot sa ulo si Alyssa. "Mamaya kana kasi makisabat!"



Napahawak ito sa dibdib niya. "Bakit ako?! Eh, si Hari nga 'tong nakisabay sa'yo." Sabay turo sa katabi niya.



"So, eto na nga." She ignored Miracle. Nakasimangot tuloy ang bruhilda. "After niya sabihin 'yon sa boy, their break up went smoothly. May sinabi pa nga na hihintayin siya pero may jowa na ngayon."



"What if kaya nag jowa 'yung boy para pampalipas oras lang habang inaantay si gorl?" Miracle asked lowly.



My eyes squinted. "What a stupid mindset he has!" Kung ako 'yung girl na pinangakuan baka hindi ko na tanggapin pag bumalik na 'yon!!



"At, eto pa!" Alyssa added, she's not done talking yet.



"Oh, ano?" Si Karina.



"Narinig ko rin na nag myday daw si boy tapos naka hide sa girl." Napailing nalang ito habang sinasabi 'yon.



"Eh paano nalaman ni girl?" Tanong ko.



When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Where stories live. Discover now