🌼Chapter: 27

244 6 0
                                    

"Bakit ba curious kayo sa babaeng gusto ko noon?!" Sinusubukan ni Carl makapiglas sa pagkahawak sakaniya ni Alyssa at Miracle. "Siguro, kaya gusto niyo malaman para matingnan kung pasok ba talaga kayo sa standards ko." Mahanging saad nito sa dalawa.

"I got curious lang kasi, never pa kita nakitang may pinopormahan."Singit ni Karina sabay pinagkrus ang braso sa dibdib. "Who is she ba?"

"Basta. Huwag niyo na alamin." Nilingon niya ang dalawang babaeng nakahawak sakaniya. "Kung gusto niyo ako pag  samantalahan, wag dito." He chuckled.

"Gusto mo ba ng bebe, Carl?" Hinampas-hampas pa nito ang likod niya. "Reto kita sa mga bebe girls sa Conciatias? Hanap ka ng Ms. Concias." Kinikilig na saad ni Miracle.

Agad siya umiling para iparating na ayaw niya. "Lul! Mga mayayaman mga nandoon, ayoko! Baka palapit palang ako, alukin agad ako ng sampung milyon ng magulang nila."

Conciatias De University is one of the schools with the most beautiful, large, extensive and also the most expensive university. Malapit lang 'yon sa school namin, mga isang biyahe lang siguro para makarating doon.

"Siguro mas bet niya ang mga students sa Vendiram." Pang-aasar ni Miracle na ikinatawa nila Karina.

Umarte siyang nasusuka sa harapan namin. "Kung mga taga Vendiram ang bet ko, bakit hindi ko kayo bet?" Tukoy niya sa tatlo.

"Kasi alam mong mataas ang standards namin!" Sagot naman ni Hari.

He laughed at her answer. Parang nang-aasar pa ang tingin nito kay Hari. "Standard niyo mataas? Kung ganun, bakit may rebelde kang jowa–oh! Tingnan mo, pikon!" Masama siyang tinignan ni Carl nang hampasing siya nito.

"Tumigil ka nga! Sainyong dalawa, mas mukhang malinis pa nga siya kesa sa'yo!" Bulyaw niya rito.

"Psh, pinapunta niyo ba ako dito para lang saktan, asarin at paaminin?" He asked us annoyed.

Plano talaga nila Alyssa na papuntahin sa isang restaurant itong si Carl. Gusto kasi nila paaminin, mukhang kulang raw kasi sa pagmamahal. Kaya gusto nila malaman kung sino 'yung girl para takutin daw nila na gustuhin si Carl.

"Pinapunta ka namin para bigyan ng lovelife!" Miracle excitedly said.

Napaismid ito. "Ayan, puro ka lalaki kaya dinadamay mo ako!"

"Anong konek?!"

Carl ignored him, struggling again to escape from their grip. Kaso masyado malakas ang dalawang bruha na 'to. Hindi tuloy makapalag si Carl.

"Hindi paba tayo kakain?" Singit ko sa usapan nila. Kanina pa ako nagugutom, mga walang balak mag order.

His glaring eyes landed on me. "Ikaw talaga! Akala ko pa naman may group work tayo sa research, tapos dito mo ako dinala!"

Isa kasi ako sa nagdala sakaniya dito, napag-utusan lang rin ako kaya no choice. Atsaka, libre daw lunch kaya pumayag na ako.

"Sorry, natukso lang ako." I made a peace sign.

Inirapan niya lang ako. Mga ilang minuto rin binitawan na nila si Carl. Nag-order narin kami ng lunch kasi kanina pa kami doon at ilang beses na pinipilit paaminin siya. Kaso masyado matigas, ayaw talaga sabihin.

"Aray?! Hindi porket libre mo, kailangan mangurot?!" Daing ni Carl. Napatingin tuloy kami sa pwesto niya. Masama ang tingin kay Miracle.

"Ayon, bagay sa'yo!" Mahinang saad niya sabay turo sa kabilang table, malapit lang sila sa amin. "'Yung naka pink dress, may tulips na clip sa side hair." Patago tinuro ni Miracle ang babaeng tinutukoy niya.

When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें