🌼Chapter: 39

366 5 0
                                    

Nakailang katok palang ako sa bahay, nang pagbuksan na ako ni Jumong. His eyes widened for a moment but returned to being serious.

"I thought I'd be surprised that you were wearing a ring? Bakit mas nagulat pa ako sa itsura mo ngayon?" He was leaning against the door. Gabi narin ako nakauwi kaya sarado na ang tindahan.

"Jusko, Phyn!! Ano nangyari sa'yo?" Lumitaw si Mama may dalang sandok. "Nasaan si Clark?" Tumingin pa ito sa likuran ko, akala siguro nandoon ang lalaking hinahanap niya.

I cried again when I heard his name. Agad nila ako nahawakan sa sobrang panghihina ko.

"N-Niloko niya rin ako, Ma." Mapait ako ngumiti sa aking Nanay na sobrang nag-aalala sa kalagayan ko ngayon. "Parehas sila ni Papa....parehas mag ina ang gusto."

"H-Ha? Ano ba sinasabi mong bata ka?!" Inaalog niya ako pero tuloy parin ang pag-iyak ko. Halos hindi na makahinga sa sobrang daming iniyak.

"N-Nakita ko ulit si Papa..." Nagtama ang tingin naming dalawa. "...kasama ang bago niyang pamilya." I swallowed hard.

"At..." I bit my lips. Hindi ko na matuloy sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. "M-Ma. Ang anak ng babae ni Papa, karelasyon rin ni Clark."

"N-Nahuli kong...mag..ka..halikan sila." Putol putol na saad ko.

Napaawang ang labi ni Mama, unti-unting namuo ang luha sa gilid ng mata nito. Hinila niya ako para lalo mayakap at doon ko rinig na rinig ang pag-iyak nito.

"Jumong, saan ka pupunta?!" Umangat ang tingin namin sakaniya nang bigla ito lumabas sa bahay kahit umuulan pa.

He slammed the door shut so I felt nervous. Napatayo agad ako para masundan ito. Parehas nakayukom ang kamay habang naglalakad paalis.

Sinubukan ko siya habulin hanggang makarating sa labas ng subdivision at doon naman kasabayan dumaan ang motor ni Clark. Napatigil agad ito nang makita kami, pababa palang siya pero suntok ni Jumong ang unang bumungad sakaniya.

Nanatili ako. Sinubukan ko siya awatin pero sobrang dilim ng mukha nito. Tuloy-tuloy sa pag suntok kay Clark na hindi manlang lumalaban.

Pumagitna na ako para matigil 'to. Kitang kita sa mukha ni Jumong ang pagkainis habang masama ang tingin kay Clark na kanina pa duguan ang labi.

"You fucking asshole! Alam mong iniwan kami ng tatay namin para sa babae niya... naisip mo pang jowain ang anak nun?!" Sigaw nito kahit hawak ko na siya.

"Jumong.."

"Hindi kaba makuntento?! Ha?! O baka jinowa mo lang ang kapatid ko para saktan mo–"

"M-Mahal ko ang kapatid mo–"

"Nasaan ang pagmamahal doon?! Putangina nasa babae mo!" Dinuro-duro niya ito.

Ngayon ko lang siya nakita magalit ng ganiyan. Ni kahit minsan hindi siya nag pakita ng emosyon noon.

Clark stood weakly, his tears began to fall as he looked at us pitifully. "N-Ni minsan hindi ko nagawa lokohin ang k-kapatid mo...hinding hindi ko kaya gawin 'yon sakaniya."

"Paanong hindi kaya?! Eh, nagawa mo na 'diba?! Ginagago mo ang kapatid ko!" Mabilis niya inalis ang kamay ko at nilapitan si Clark na nanghihina. "I thought wala lang ang nakita kong babae kasama mo sa mall...gusto ko pag dudahan ka pero alam ko na hindi mo lolokohin ang kapatid ko."

Nanlaki ang mata ko at napunta kay Jumong. "See.. hindi niya alam?" Sabay turo niya sa akin. "Siguro 'yon ang nakita niyang kahalikan mo 'no?"

"M-Mali ka ng iniisip–"

"Tama na!" Pigil ko sakanila. Ayoko na may marinig pa mula sakaniya. Mas lalo ako nadudurog sa naririnig ko.

Lumapit ako kay Jumong at hinila na siya. "Tara na please! Ayoko na dito, gusto ko na mag pahinga!" I yelled.

When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Where stories live. Discover now