🌼Chapter: 2

501 14 0
                                    

"Phyn!" Naalis ko agad ang suot na earphone sa aking magkabilaang tenga nang marinig ang tawag ng isang kapit bahay namin.


"Ano 'yon, te?" I asked modestly.



She had a gallon of water with her but it was empty, siguradong bibili siya. "May tinda pa kayong tubig?" She asked with a smile.


I can't help but frown. Sure akong u-utusan ulit ako mag buhat nun palabas ng tindahan namin. Nasa loob kasi ang mga tindang tubig, para iwas manakawan



"May mag bubuhat po ba?" Tanong ko rito.


She scratched her head at agad umiling. "Nako, wala e. Palabas nalang, neng."


Tumango lamang ako bago pumasok sa loob ng tindahan. She could have just called her son but she still chose to buy it herself, her son is too lazy to carry it.


Hirap din ako maglabas ng tubig, mabigat kasi. Atsaka, madalas sumakit ang puson ko kapag nagbubuhat ng mabigat na bagay. Mahina rin ang braso ko kaya iniiwasan ko talaga mag buhat.


"Ako nalang mag dadala sa bahay, neng." Rinig kong pahabol nito.


Inis ako napairap habang hinihila ang tubig. Talagang hindi dapat ako, kasi hindi ko kayang dalhin ang ganitong kabigat papunta sa bahay nila, tapos makikita ko lang ang mga anak niyang tamad na kinukunsinti ng Ina.


"Pabil–oy, need mo ng tulong?" Napunta ang tingin ko kay Clark na sumilip sa tindahan.


May nagawa rin tama ang pag sulpot niya at pagbili sa tindahan namin. "Yes, pa help na dalhin sa bahay ni Ate Yam." Sabay nguso sa kapitbahay namin.


Mas mabuti kung siya ang magdala, kawawa naman si Ate Yam. Ang payat-payat na nga e' tapos pag bubuhatin pa. Ayaw kasi sabihan ang mga anak niya na tumulong, lagi nalang siya ang kumikilos.


I noticed Clark's wide smile upon entering the store. He carefully passed by my side so that he could carry the water. "Dapat tinawag mo ako, pag may kailangan buhatin." Mahinang saad nito bago buhatin ang tubig.


Inismaran ko lang siya at hindi na pinansin. Kinuha ko ang bayad ni Ate Yam sa tubig para masuklian na siya.


I took the chair on the side to sit while waiting for Clark, alam kong bibili 'yon pag dating niya, naiwan kasi ang pera sa patungan.


Palihim ako sumilip para tingnan kung papunta na ito. Pag silip ko he was walking while looking at his wet clothes. Wag niyang sabihin, siya rin ang nag pasok sa loob ng bahay ni Ate Yam para ipatong?


Nakasimangot lang ako hanggang sa makalapit sa akin. "Sensya na natagalan," Hindi naalis ang ngiti niya sa labi. "Pabili daw si Mama ng Knorr chicken."


"Pinapasok sa 'yo?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya, na curious ako bigla nang makitang nabasa ang suot nitong t-shirt.


Bahagyan siya nagulat sa tanong ko pero mabilis ito tumango, kagat ang labi niya. "Okay lang naman, siya rin ang mag bubuhat kung sakali ipapaso–"


"What is her son doing?" I asked with raised eyebrows. "Hindi manlang nila tulungan ang Nanay nila, kalalaking tao tapos hindi manlang ma-utusan." Napabuga ako sa hangin, hindi maiwasan mainis.


"Pabayaan mo na, baka busy lang din." Pag-tanggol niya.


Inirapan ko lamang ito at agad kinuha sa garapon ang knorr cubes na binibili niya. "Eight pesos." Masungit na singil ko.


When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora