🌼Chapter: 40

439 7 0
                                    

After 5 years.

"Could you provide me with a map of the city, please?"

"Absolutely, here you go. Do you have any questions about the hotel's facilities or any specific inquiries?" I asked politely after handed him a map na pinapamigay namin in case na mag hanap sila.

"No, I think I'm good for now. Thank you." Bahagyan siya yumuko bilang pag galang kaya mas lalo ako napangiti.

"You're welcome! Enjoy your stay at our hotel, Mr. Feliz. If you need anything during your stay, feel free to contact us at the front desk." Huling saad ko bago siya tuluyan umalis kasama ang bellman na mag bu-buhat ng luggage niya.

"Gosh, ang gwapo nun, ah." Pasimple ito lumapit sa akin at bumulong. "Ang tangkad, sis. Parang gusto ko nalang maging asawa niya kesa front office staff dito."

Inismaran ko siya. "Nasa trabaho tayo kaya be professional." Paalala ko bago ibaling ang tingin sa computer.

"Tibo kaba, ha?! Parang hindi ka tinatablan ng mga charm nila. Oh, baka may boyfriend kana kaya parang ilag ka sa lalake?" Pakikichismis nito pero nasa computer rin ang tingin.

I rolled my eyes. "Wala akong boyfriend."

"Eh, asawa?"

Nilingon ko siya, her eyebrows were raised while a smile slowly appeared on her lips.

"Sa isang taon nating magka-trabaho sa hotel, wala ka naman nakitang nag hahatid at sundo sa akin?" I showed my two hands. "Kahit ihilamos ko pa ang dalawang kamay ko sa'yo, wala kang makikitang singsing nakasuot sa mga daliri ko." Dagdag ko pa.

She pouted. "Oo na." Saglit siya tumahimik pero lumingon ulit sa pwesto ko. "Kung wala kang asawa, boyfriend, kabit–"

"Bakit kasali 'yang–"

"Siguro... broken ka." She cut me off. Natigilan tuloy ako, when she saw my reaction she immediately clapped. "A..ha..aha! Tama ako, broken ka? Sheesh, I shot na 'yan! Sagot namin ni Krista ang red horse!"

I kept checking around to see if there were other people. Baka maireklamo pa kami dahil sa bunganga ng babae na 'to. Mabuti nalang gabi na kaya walang masyadong tao naglalakad loob.

"Manahimik ka nga." Halos pabulong kong saway rito. "Huwag ka mag painom kung red horse ang bibilhin mo."

"Ang arte, ah. Maganda nga 'yon, para pag nalasing mapapasabi ka nalang ng..." Nag pabitin pa ang gaga.

"Ng?" I asked curiously.

"Lakas ng tama pero hindi wasak!" She showed her fist in front of me, sabay ngisi. "Kasi kung ibang alak ang iinumin mo baka mapasabi ka nalang ng siya parin bes!" Umarte ito na may pinupunasan sa mata kahit wala naman.

I winced. "Never ko sasabihin 'yon. Kahit matanggal kapa sa trabaho–"

"Bakit nadamay ang trabaho ko?!" She immediately knocked on the desk, apparently scared of what I said.

"Manahimik ka nalang kasi." Masungit na saad ko.

Wala siya nagawa kundi itikom ang bibig niya. Gusto pa nga dumaldal kaya lang naudlot nang may dumating na guest. Eh, saktong may tumawag sa akin kaya hindi na kami nagkausap pa. Back to work.

"Good evening! This is Marxha Hotel. How may I help you?" Bungad ko sa customer na may buhay na tono kahit kanina pa ako antok na antok.

Kanina pa ako dito, pero malapit na ako mag-out kaya makakapag pahinga narin sa wakas! Wala akong pasok tomorrow kaya nag pa overtime ako. Inaantay ko nalang ang matapos ang time namin para makauwi na.

When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Where stories live. Discover now