🌼Chapter: 13

259 4 0
                                    

"Pasok ka," Niluwagan ng ate ni Clark ang pintuan para tuluyan na ako makapasok sa loob ng bahay nila.



I hesitated to smile and immediately looked away when our eyes met. Hindi ko alam kung saan maiibaling ang aking mukha. Shit, bakit sa dinami-dami mag bu-bukas ng pintuan, bakit siya pa?



Naalala niya pa kaya ako? Baka hindi na. Mahigit taon na ako nakatira malapit sakanila at baka nga nabanggit na ako ni Tita Malou. Ever since we lived in Cavite, his sister and I have not been on the same path, mabuti nga 'yon, ayoko rin mag kita kami.



May nakakahiya kasi akong ginawa noon. Shit! Napakagat labi tuloy ako nang maalala ang kagagahan ko.



Panay ang aking lakad sa kwarto habang nakatingin sa phone. I was still thinking if I should leave a message for Clark.



Oo na, gaga na ako! Hindi ako maka move on! Feeling ko mahal pa ako ni Clark, baka naguguluhan lang siya noong nakipag hiwalay siya. Atsaka, panay ang shared post niya about sa mga broken, baka inaantay niya lang ako!



"Hayss!" Inis ako humiga sa kama at sinilip ang picture ni Clark sa gilid ng side table ko. "Kung mag cha-chat ba ako sa'yo, may pag-asa pa ako?" Kinuha ko ang frame at kinausap ito.



Argh! Mukha naman akong baliw sa ginagawa ko! Inis ko nilapag ang frame at ginulo ang aking buhok sa sobrang stress. Miss na miss ko na siya, gusto ko na ibalik ang dating relasyon namin.



Pero paano namin maiibalik kung sa ngayon palang ay mukhang ako lang ang gustong bumalik ulit?



Muli ako napatingin sa phone ko at inopen ang conversation namin ni Clark. Sa tuwing napunta ako sa convo na 'to, I couldn't help but feel hurt.  Hanggang ngayon ang sakit parin.



Huminga ako nang malalim at muli nag tipa.



Creselia Sylyphyn Velencio •

- Hi, March na, oh! Baka gusto mo na bumalik. Hehehhe



Pagkatapos nun agad ko pinatay ang phone. Sunod-sunod ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba. I just looked at the ceiling while waiting for his reply.



Napapadyak naman ako sa tuwing nakikita hindi niya nababasa ang chat ko pero napabalikwas agad ako nang tumunog ang  ang phone ko.



Akiro Clark Streon •

- Hello po 🖐️ ate po ako ni Akiro 2log pa siya anong oras nanaman po kasi siya natulog kagabi kaka ml sabihan ko nalang po kapag gising na👍


Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa nabasa ko. Shit! Ate ni Clark 'to! Alam kaya niyang girlfriend ako ng kapatid niya? Feeling ko hindi! Kasi never niya ako ipinagmalaki!



Sa sobrang kahihiyan hindi na ako nag reply, halos hindi ako nakakilos dahil doon. Hanggang sa makatulog ako at pagkagising ay naalala parin ang kahihiyan na 'yon!



Nanlaki ang mata ko nang may nakitang chat ni Clark. Leche! Baka galit na siya, hays! Tuluyan na talaga akong hindi babalikan.



Akiro Clark Streon •

- Creselia, gusto ko man balikan ka.. but there's a part of me that really doesn't want to.. Huwag mo na pilitin, dahil ikaw lang din masasaktan. Ngayon ko rin narealize na wala akong kwentang bf para sa'yo, at ayoko nang masaktan kapa ulit. I appreciate your effort to make me happy, Creselia....and hanggang dito lang kaya ko. 'Yon lang, and pls huwag kana ulit mag chat pa. Madalas hawak ng ate ko ang cellphone ko.. kaya sana 'wag kana mag reply sa chat ko.



When Relationship Ends (Not An Angel Series #5)Where stories live. Discover now